SCHOOL YEAR 2021-2022
SCHOOL YEAR 2021-2022
Kinilala din sa 2021 Saludo Educators Award District Level ang punong-guro ng nasabing paaralan na si Gng. Geraldine G. Cristal bilang Most Outstanding School Head, si Gng. Mary Grace S. Cortez bilang Most Outstanding Master Teacher, si G. Renato U. Ignacio Jr. bilang Best Success Story in the Implementation of BLECP, at nasungkit naman ni G. Ferdin M. Tuppil ang pangalawang pwesto bilang Most Outstanding Teacher, 2021.
Sa Congressional District , nakamit ni Gng. Mary Grace S. Cotez ang ikatlong pwesto bilang Most Outstanding Master Teacher, at si G. Renato U. Ignacio Jr. ang ika-anim na pwesto sa Best in Success Story in the Implementation of BLECP.
Nakamit ng Buguey South Central School ang pangalawang pwesto sa naganap na Search for Brigada Eskwela - Congressional Level.
Wagi ang Buguey South Central School bilang SBFP Best Implementer sa District Search na ginanap noong ika-22 ng Enero, 2022. Masayang tinanggap ni Gng. Maricel M. Malana, SBFP Coordinator ang parangal kasama ang mga guro ng Buguey South CS.
Nakamit ni Shanlee Palpallatoc ang unang pwesto sa Slogan Making sa naganap na District Project WATCH Contest. noong ika-27 ng Oktobre, 2021.
Nakamit ni Daniela Antonio ang unang pwesto sa Poster Making sa naganap na District Project WATCH Contest. noong ika-27 ng Oktobre, 2021.
Matagumpay na nakapasok sa ika-limang pwesto si Yllhane Pearl Javier sa Spelling Bee sa naganap na Regional UP Sinniriban 2022 noong Pebrero 1, 2022.
Kinilala ang obra si Shanlee Palpallatoc sa Poster Making sa ginanap na Poster Making Contest ng UP SINNIRIBAN noong Pebrero 3, 2022. Tinalo niya ang mga kalahok mula sa iba't ibang paaralan ng Rehiyon Dos.