Enero 3, 2022 - Para sa mas inobatibo at ligtas na pagpasok ng mga mag-aaral, isinagawa ng Buguey South Central School ang Simulation Activity bilang paghahanda sa limited face-to-face ng eskwelahan.
Sa pangunguna ng punong-guro ng paaralan at sa tulong ng mga stakeholders, naging maayos ang isinagawang simulation ng mag-aaral.
BALIK ESWELA NA
Pebrero 21, 2022 - Muli ng nagbalik sa paaralan ang mga mag-aaral ng Buguey South Central School sa pagsisimula ng limited face-to-face classes nitong lunes.
Sinisuguro ng paaralan na maayos na natutupad ang mga safety protocols na inilatag ng AITF upang mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral sa banta ng covid-19 virus.
Laking pasasalamat ng punong guro ng paaralan na si Gng. Geraldine G. Gristal sa lahat ng mga magulang at stakeholders, dahil naging matagumpay ang unang araw ng pagbubukas ng klase.