Ang pangalang BALINTATAW ay nangangahulugang pupilo (The pupil of the eye) o maitim na parte sa mata. Sa Pamamagitan ng ating balintatataw, makikita natin ang kagandahan ng paligid na inukit ng ating Poong Maykapal.
Sa tulong rin nito, ating maisiwalat ang mga pangyayari sa ating mundong ginagalawan, lalong lalo na ang mga magagandang balita na nagdudulot ng kasiyahan sa ating mga puso. Sa kabila ng pandemyang ating hinaharap ngayon, atin paring gamitin ang ating balintataw sa pagtuklas sa katotohanang ang lahat ng ito ay ating malalagpasan.