BAYUGO MARCH
Lyrics and Music: Bb. Cecilia A. Gallego
BAYUGO MARCH
Lyrics and Music: Bb. Cecilia A. Gallego
Mahal naming sintang paaralan
Kami dito ay nag-aaral
Bumasa, sumulat at magkwenta
Kagandahang asal ay kasama na
May iba’t ibang asignatura
Dito’y aming natutuhan pa
Mabuhay ka aming paaralan
Baranggay ng Bayugo
Ng Kanlurang Meycauayan
II
Mga guro, magulang at pinuno
Ng DepEd at pamayanan
Sila ay ating mga sandigan
Sa karunungan’t kabutihan
Paaralang Baranggay ng Bayugo
Ipagbunyi’t pasalamatan
Mabuhay ka aming paaralan
Paaralang Baranggay ng Bayugo
(Ulitin II)
Mabuhay ka aming paaralan
Paaralang Baranggay ng Bayugo