Isang matagumpay na pagbati sa mga Junior High School Completers sa Panuruang Taon 2025-2026.
Sa kabila ng mga pagsubok at pagod, narito kayo ngayon, nakatayo sa isang bagong yugto ng inyong buhay. Ang inyong pagtatapos sa Junior High School ay hindi lamang isang simbolo ng mga taon ng sakripisyo at pagsusumikap, kundi ng isang bagong simula para sa bawat isa sa inyo bilang bahagi ng "Henerasyon ng Pagkakaisa".
Ang bawat hakbang patungo sa tagumpay ay isang patunay na walang imposible kapag nagsusumikap at naniniwala kayo sa inyong sarili. Tandaan, ang pagtatapos na ito ay simula pa lamang ng mas malaking paglalakbay. Maraming oportunidad ang naghihintay sa inyo, at ang mga pagkakataon ay tulad ng mga bukas na pinto na magdadala sa inyo sa mas magagandang landas.
Sa mga susunod na taon,, Kayo, bilang kabataan, ay may malaking papel na ginagampanan sa pagsulong ng isang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating bansa. Kayo ang magpapatuloy ng misyon na hindi lamang magtagumpay para sa sarili, kundi magtagumpay para sa kapwa at sa bayan. Magiging gabay kayo ng susunod na henerasyon na may malasakit sa kapakanan ng bawat isa, handang magtulungan upang makamtan ang isang bagong Pilipinas na puno ng pag-asa, pagkakaisa, at pagkakapantay-pantay.
Ang bawat hakbang ay mahalaga, huwag kalimutan na sa bawat tagumpay at pagkatalo, ikaw ay patuloy na natututo at lumalago Kaya't magsikap, magtulungan, at patuloy na mangarap, dahil kayo ang "Henerasyon ng Pagkakaisa" na maghahatid ng Bagong Pilipinas!
Maligayang Pagtatapos, at Nawa'y maging ilaw kayo sa landas ng ating bayan!