Virtual Program of Acceptance for Ma'am Meliza B. Dionisio as the new Principal of Bangkal Elementary School
09.08.2021
Maligayang pagdating po sa aming paaralan, Ma'am Meliza B. Dioniso. Buong galak at pagmamalaki po namin kayong tinatanggap sa inyong bagong tahanan.
"Retirement is not the end of the road. It is the beginning of the open highway."
Bangkal ES and its entire community extend its deepest gratitude and appreciation to Sir Atilano Briones (School Head) and Sir Jessie Dela Fuente (Faculty Member) for their invaluable service and contributions to the success of Bangkal Elementary School.
We wish you all the best. Congratulations and happy retirement!
Ang Bangkal Elementary School po ay patuloy na maglilingkod sa Komunidad ng Brgy. Bangkal, Lungsod ng Malolos, Bulacan sa kabila ng Pandemiya na ating nararanasan. Manatili po tayong ligtas sa bawat sandali. Iwasan po natin ang paglabas ng bahay kung hindi kailangan. Ugaliin po natin ang paghuhugas ng kamay at ang pagsusuot ng “facemask” para sa ating kaligtasan.
Maraming salamat po!
Ang pamunuan ng Paaralang Elementarya ng Bangkal sa pangunguna ni G. Atilano G. Briones, punongguro apat, ay labis na naghanda upang matiyak ang kaligtasan ng mga Guro ng Paaralan.
Bukod sa paglilinis at pagpapaunlad ng pasilidad ng paaralan, bumili ang pamunuan ng paaralan ng sapat na supply ng Face shields, face masks, alcohol, hand sanitizers, alcohol and sanitizer dispensers at ilang mga kagamitan na maaring magamit upang masigurado ang kaligtasan ng bawat guro at empleyado ng paaralan laban sa COVID 19.
SIMPLE STEPS ON HOW TO DOWNLOAD AND INSTALL BANGKAL ES Application
CLICK the LINK BELOW to download the application
Watch the youtube video tutorial.
Remember: When an android application came outside of google playstore there are security warnings when installing the apk file. (Watch the video for review purposes if you encounter a problem in installation.
ONLINE LOG IN and OUT of Bangkal-ES teachers is also available inside the Application.
Sa kabila ng pandemia na ating nararanasan, hindi magpapapigil ang pamunuan ng Paaralang Elementarya ng Bangkal sa patuloy na pagpapaunlad at pagsasaayos ng pasilidad ng paaralan.
July 10, 2020
𝟏. 𝐁𝐥𝐞𝐧𝐝𝐞𝐝 𝐚𝐩𝐩𝐫𝐨𝐚𝐜𝐡 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐝𝐯𝐚𝐧𝐜𝐞𝐝 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐚𝐭 𝐒𝐞𝐜𝐨𝐧𝐝𝐚𝐫𝐲 𝐥𝐞𝐯𝐞𝐥 𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧𝐞𝐫𝐬
- Ang mga module ay dinisenyo upang gumabay sa sariling pagkatuto ng mga mag-aaral. Linggo-linggo, ang ALS teacher ay gagawa ng weekly learning plans/agreements sa kada learner, at magtatalaga ng weekly assessment tasks upang suriin ang kanilang learning progress.
- Gamit ang social media platforms, ang ALS teacher ay maaaring magbigay ng learning support o sumagot sa mga tanong ng learner. Magagamit rin ang social media sa paggawa ng online groups ng mga learner para suportahan ang peer learning.
- Ang working folder/portfolio ay sabay na susuriin ng guro at mag-aaral at gagamitin sa pagpaplano ng mga aktibidad para sa susunod na linggo.
- Maaari ding ipakilala ang peer learning. Ang mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng mga online o social media groups. Kung ang mga mag-aaral ay nakatira malapit sa bawat isa, at pinapayagan ng kanilang LGU na dumalo sa mga maliliit na pagtitipon, maaari silang magkita ng mga pares / triad upang talakayin ang kanilang mga aktibidad.
- Ang kanilang working folder / portfolio ay mahalaga dahil susuriin ito ng mga guro, na sumasang-ayon sa mga susunod na linggong pagpaplano ng mga diskarte sa pagkatuto.
𝟐. 𝐑𝐚𝐝𝐢𝐨-𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐑𝐁𝐈) 𝐨𝐫 𝐁𝐫𝐨𝐚𝐝𝐜𝐚𝐬𝐭 𝐨𝐟 𝐀𝐋𝐒 “𝐈𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐥𝐚𝐬𝐞” 𝐓𝐕 𝐞𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞𝐬 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐊𝐧𝐨𝐰𝐥𝐞𝐝𝐠𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥
- Ang mga ALS teacher ay maaaring gumamit ng mga audio material at script na binuo ng DepEd o gumawa ng sarili nilang radio scripts batay sa ALS K to 12 Basic Education Curriculum (BEC).
- Ang mga ALS teacher ay maaaring makipag-ugnayan sa mga local radio station upang mabigyan ng airtime sa pag-broadcast ng radio-based materials.
- Ang TV ay magpakukunan din ng supplemental learning sa mga lugar na walang internet access. Ang mga Knowledge Channel video ay maaaring i-download nang libre sa www.knowledgechannel.org.
𝟑. 𝐎𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧𝐞𝐫𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐠𝐚𝐝𝐠𝐞𝐭𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐚𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐞𝐭
- Kung may ICT equipment tulad ng computer, mobile phone, o tablet, ang mga learner ay maaaring gumamit ng online platforms tulad ng DepEd Commons, DepEd Learning Resource Portal, ICT4ALS, at AralMuna app.
- Kung mayroong mobile phone/device ang learner, maaaring i-save dito ng ALS teacher ang mga ALS module.
- Sa tulong ng partners, patuloy na pagbubutihin ang DepEd Learning Resource Portal.
#SulongEduKalidad #DepEdBayanihan #DepEdPhilippines #DepEdTayo
Please subscribed to sir Emman: https://youtu.be/xq0UGWamsu0
Nais po naming ipagbigay-alam sa lahat na patuloy po tayong tumatanggap ng mga magpapalista para sa darating na pasukan na magsisimula sa ika-24 ng Agosto, taong kasalukuyan. Kung kayo po ay may cellphone makipag-ugnayan lamang po kayo sa mga dating guro ng inyong mga anak sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe. Mayroon din po tayong online registration. Kung kayo naman po ay nakapagpalista na “online” ay sapat na po iyon at di na kailangan pang makipag-ugnayan sa mga guro.
Nais din po naming linawin na hindi kinakailangang pumunta ang inyong mga anak sa paaralan upang mag-aral. Gumagawa po ng iba’t-ibang pamamaraan ang ating Kagawaran ng Edukasyon upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral upang patuloy silang makapag-aral ng hindi na kailangang magtungo pa sa paaralan.
Libre ito sa lahat ng network. Hindi mo kailangang mag Load para ito ay ma access.
https://www.youtube.com/watch?v=InGhoz-dMaM
Please Like and Subscribed to :
Halina't panoorin natin ang Pagpapatupad ng Oplan Kalusugan sa DepEd sa Paaralang Elementarya ng Bangkal. Mahalaga na Pangalagaan ang Kalusugan ng bawat mga mag-aaral ng ating Paaralan.
Bangkal ES Health Coordinator: Teacher Eva (Grade II)
Let's Be On Time! Isang munting paalala mula sa project W.A.T.C.H Team ng Bangkal-ES na pinangungunahan ng WATCH coordinator Teacher Bel (Grade III)