Pambansang Kita
Pambansang Kita
Pamantayan ng Pagkatuto:
Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita. (AP9MKE-III-a)
Panoorin ang video sa ibaba upang makapunta sa kasunod na pahina
ANG PAMBANSANG KITA
Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng atng ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
Gross National Income (GNI)
Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag ding Gross National Product (GDP) ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa sa isang takdang panahon. Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa loob ng isang taon.
Gross Domestic Product (GDP) Ang Gross Domestic Product (GDP)
Ang Gross Domestic Product (GDP) naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Ibig sabihin lahat ng salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito.
Pagkakaiba ng GNI sa GDP
Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income (GNI) ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo ng mga mamamayan ng isang bansa sa itinakdang panahon. Anumang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo ng mga mamamayan ng isang bansa, halimbawa ang mamamayang ito ay isang OFW sa Saudi Arabia ang kanyang kabuuang halaga at serbisyo nabuo sa bansang iyon ay maibibilang sa GNI.
Habang ang Gross Domestic Product (GDP) ay ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon. Anumang serbisyo o produkto na ginawa sa loob ng isang bansa ay maibibilang dito. Halimbawa na lang ang ginawang motorsiklo ng mga Hapon dito sa Pilipinas ay maibibilang sa GDP. At upang malaman kung nagkaroon ng pagbabago sa GNI at GDP sa bawat taon ginagamit ang pagsukat ng growth rate.
Mga Paraan ng Pagsukat sa Gross National Income (GNI) at Gross National Product (GDP)
Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan ng pagsukat sa Gross National Income:
(1) pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach),
(2) pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon (income approach)
(3) pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin approach)
3. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin)
Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang Gross Domestic ang mga produkto ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo. Sa kabilang banda, kung isasama ang Net Factor Income from Abroad o Net Primary Income sa kompyutasyon, masusukat din nito ang Gross National Income (GNI) ng bansa.