YOU ARE HERE: PROGRAMS AND PROJECTS
YOU ARE HERE: PROGRAMS AND PROJECTS
Programs and Projects
Ang Balatong B Elementary School ay pinapanatili ang pagpapaunlad ng mga halaman at halamang gulay sa paaralan. Ito ay nagsisilbing income generating ng paaralan upang masuportahan ang ilang pangangailangan ng paaralan at upang makabili ng panibagong binhi na syang nagdudugtong sa pagpapanatili nito sa paaralan. Ilan sa mga gulay na matatagpuan sa paaralan ay talong, okra, pechay, tanlad, siling labuyo, siling haba at kalamansi. Samantala, may mga gulay din seasonal na matatanaw sa paaralan tulad ng patola at kalabasa. Halina't bisitahin itong aming mga tanim, at tiyak mga mata mo'y magniningning!