YOU ARE HERE: HOME 

bbes face to face classes-simulation.mp4

BBES Handa Na!

Ni MILA A. VERDADERO

  February 21, 2022-Nakamit na ng Balatong B Elementary School  (BBES) ang minimithi nitong approval mula sa Region III para sa nalalapit na face-to-face classes. Nitong nakaraan lamang ay binisita ng mga kinatawan ng Department of Education (DepEd) Region III na sina Dr. Rafael C. Rubio, Regional Supervisor, Dr. Anastacia N. Victorino, EPS-Filipino, at Dr. Ana-Liza M. Villanueva, PSDS-Pulilan ang nasabing paaralan. Ayon sa datos, may kabuuang bilang ang paaralan na 312 mag-aaral, at ang handang makibahagi sa face-to-face classes ay 250 mag-aaraal o 80.12% ng kabuuang bilang. Dito ay personal nilang nakita ang kasalukuyang sitwasyon ng paaralan. Sa kanilang pagbisita ay binigyang-pansin nila ang pangunahing pangangailangan ng paaraalan na siyang magbibigay ng kasiguraduhan sa kaligtasan ng bawat mag-aaral. Ininspeksyon ng grupo ang bawat pasilidad ng paaralan. Sinuyod din nila ang mga silid-aralan at sinuring mabuti kung ito ba ligtas at kung ang bawat silid-aralan ba sumunod sa mga itinakdang panuntunan ng DepEd.

  Samantala, sa masugid at masikap na pamumuno ng school head ng BBES na si Sir Leonilo M. Pascual, ay nagawang mapagtagumpayan ng mga guro na sundin at ilatag ang lahat ng hinihingi ng ahensya. Kung kaya’t ito’y nabunga ng isang tagumapay sa paaralan. Nagawang ipakita ng bawat isa ang kanilang kahandaan, hindi lamang sa mga dokumento, higit lalo sa pagbibigay ng proteksyon  sa oras na tumutuntong na sa paaralan ang mga mag-aaral.

       Handwashing facilities, signage, thermal scanner, alcohol pump, QR code, face mask, surgical gloves, footbath, contact tracing logbook, survey forms at parental consent, ilan lamang iyan sa mga inihandang kagamitan ng mga guro upang masigurado ang kaligtasan at kahandaan ng bawat isa. Naglaan din ang mga guro ng schedule para sa mga bata, na kung saan ay hinati ang mga mag-aaral sa dalawang set upang masunod ang tamang distansya ng bawat isa. Sa kabilang banda, matatanaw sa loob ng bawat silid-aralan ang kalinisan at kaayusan ng mga upuan. Isa hanggang dalawang metrong layo sa bawat isa, ang mga bintana ay bukas lahat at walang kurtina. May mga electric fan para sa maayos na daloy ng hangin at tanging ang mga pangunahing kagamitan lamang ng guro at mag-aaral ang masisilayan upang nakasisiguradong hindi magkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng hawaan. Samantala, ang paaralan ay pinapanatli ang kalinisan at regular na dini-disinfect ang kapaligiran.

        Tunay ngang BBES ay handa na! Kaya’t halina at magpalista!

KAGAMITANG PAGKATUTO

Ni Marivic V. Alforte

           Malugod na ibinabahagi ng Balatong B Elementary School (BBES) ang mga kagamitang pagkatuto na maingat na inihanda ng mga sumusunod na  guro:

Obra Ko, Gabay Mo

“Ako  Ay May Pangarap”

Tula ni Mila A. Verdadero

Synopsis: Bawat bata ay may pangarap, gawin natin itong gabay upang makamit ang ating tagumpay.

Obra Ko, Gabay Mo

“Si Potpot Ang Batang Malikot”

Maikling Kwento ni Mila A. Verdadero

Synopsis: Matutong sumunod sa mga tagubilin ng mas nakatatanda upang makaiwas sa kapahamakan.

 

Self-Learning Kit

“A Day without Mom”

Writer and Illustrator: Judy Ann C. Reyes

Layout: Ana Marie DG. Fajardo

Synopsis: Learning how to use common and proper nouns in a sentence.

 

           Ang mga guro ng BBES ay hindi tumitigil sa pagpupunyagi na makapagbahagi sa bawat mag-aaral ng paraan upang sila ay matulungan at mas magabayan sap ag-aaral sa kabila ng ating kasalukuyang sitwasyon.


BBES Galaw Pilipinas.mp4

GALAW PILIPINAS: GALAW BBES

Ana Marie DG. Fajardo 

          MGA GURO NG BALATONG B NAGPAKITANG GILAS SA PAGSASAYAW-Alinsunod sa DepEd Order No. 060 s. 2021 na pinamagatang “Guidelines on Galaw Pilipinas: The DepEd National Calisthenics Exercise Program at District Memorandum No. 03, s.2022 na may pamagat na District Video Competition on Galaw Pilipinas. Ang mga piling guro nang Balatong B Elementary School ay nagpakitang gilas at lumahok sa nasabing kompetisyon. Ang layunin ng programang ito ay ipakita ang  iba’t-ibang kultura sa pamamagitan ng pagkilos at kahalagahan ng kalusugan sa katawan. 

           Ang Paaralang Elementarya ng Balatong B sa pangunguna ng Pang Ulong Guro III G. Leonilo M. Pascual, at ang mga sumusunod na guro ay lumahok sa District Video Competition on Galaw Pilipinas: Marivic V. Alforte, Rogelyn P. Diola, Emelita C. Mamades, Ana Marie DG. Fajardo, Suzette Aimee M. Santos, Judy Ann C. Reyes, Mila A. Verdadero at Chona C. Delos Santos.

      Ipinakita ng bawat kalahok ang kanilang dedikasyon at pagsusumikap na maisagawa ang naturang programa. Naging mabunga naman ang oras at pagod na inilaan ng bawat guro. Ang lahat ay ibinuhos ang kanilang galling at talent sa paggalaw.

    Sa huli ay tatlong paaralan ang napiling manalo. Naging matagumpay ang isinagawang programa at ang lahat ay nagalak sa kanilang nasaksihan.