REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
TIAONG ELEMENTARY SCHOOL
School Year 2020-2021
Sa mga iginagalang natin na tagapakinig at mambabasa isang taong na naman ang mabilis na lumipas, isang taong puno ng pagsubok at hamon sa ating lahat. Subalit sa kabila ng lahat, ang Kagawaran ng Edukasyon ay hindi tumigil upang ang ating mga mag-aaral ay patuloy na mabigyan ng dekalikad na edukasyong na nararapat lamang para sa mga batang mag-aaral. Masyadong sinubok ng pandemya ang katatagan ng bawat isa sa atin, ngunit sabi nga natin, “Pandemya ka lang, Pilipino kami.”
At dahil prayoridad ng ating pamahalaan ang edukasyon, nagkaroon tayo ng Blended Learning Modality na ginamit natin upang maturuan ang mga mag-aaral, at siniguro natin na “No one is left behind”. Lahat ng bata ay nabigyan ng pagkakataon na matuto at makapag-aral gamit ang printed modules, Online Kumustahan at panunuod ng DepEd TV. Bagamat sila ay nasa bahay lamang, matiyagang nagmonito ang mga guro at kanilang mga magulang upang matiyak na sila ay natuto.
Naglaan ng pondo ang gobyerno para sa pagpiprint ng mga modules at iba pang supplies na may kaugnayan sa printing of modules. Gayundin, bahagi ng ating MOOE ay inilaan natin para dito. Nagpurchased tayo ng printers, inks, bondpaper upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral. Pinaigting din natin ang seguridad pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapaskil at pagpapakalap ng mga impormasyon hingil sa pag-iwas sa Covid-19.
At ngayon nga, pagkatapos ng isang taong pagsisikap at pagharap sa hamon ng New Normal in Education, ay kasiya-siyang nakatapos ang ating mga mag-aaral. Congratulations sa inyong lahat mga mag-aaral ng Tiaong Elementary School lalo na sa mga magulang na naging katuwang ng paaralan at mga guro upang kayo ay makatapos. At hinihiling ko din sa inyo mga anak na patuloy nating ipagdasal na matapos na ang pandemyang ating kinakaharap upang bumalik na sa normal ang buhay nating lahat at kayo ay makabalik na muli sa inyong paaralan kapiling ang inyong mga kamag-aaral at mga guro. Maraming Salamat at pagpalain nawa tayo ng Panginoon.
THERESA S. PONCE
School Principal I