LATEST NEWS AND UPDATES
LATEST NEWS AND UPDATES
Tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap ng ating paaralan sa mga nagnanais pumasok sa ating ALTERNATIVE LEARNING SYTEM (ALS) Classes at LITERACY PROGRAM Classes tuwing Huwebes, ika-1 ng Hapon na nagbukas kasabay ng pagsisimula ng mga klase sa paaralan noong Hulyo 29, 2024.
Inaanyayahan ang lahat ng mga kabataang naudlot ang pag-aaral at nais magpatuloy (ALS) at ang mga magulang na nagnanais matuto upang maging mas epektibong guro sa kanilang mga anak sa tahanan (Literacy Program) na..
HALINA at MAGPATALA NA!
Magdala lamang ng Photocopy of Birth Certificate o Photocopy ng kahit anong Record/Dokumento mula sa huling Baitang na pinag-aralan (hal. Report Card, atbp.)
Mga magulang dumalo sa unang GPTA Assembly
Nakiisa ang mga magulang mula sa iba't ibang baitang sa pagdalo sa kauna-unahang General PTA Assembly na ginanap noong Agosto 22, 2024 sa covered court ng paaralan.
Ipinaliwanag dito ang ibat' ibang mga paksa katulad ng Child Protection Policy, School Rules and Regulation, at Grading System.
Nag-ulat rin ang ating Punongguro, Dr. Marites SA. Sumalbag ukol sa estado ng ating paaralan noong nakaraang taunang pampaaralan.
Pagkatapos ng pag-uusap sa covered court ang mga magulang ay pinapunta sa bawat silid upang makadalo sa Homeroom PTA Meeting. Dito naman tinalakay ang iba pang mga paksa ukol sa pagpapanati ng kalinisan at kaayusan sa paaralan.
Isinagawa rin ang eleksyon para sa Homeroom PTA Officers.
Ginanap noong Agosto 7, 2024 ang Division Validation ng OPCR na ginanap sa Balagtas Central School. Ang umupong mga tagapagpatibay ay sina Dr. Maria Celina Vega, ASDS, Dr. Lorelina Gutierrez Sierra, Balagtas PSDS, Ma’am Marilen Ramos, at
Dr. Jesusa Pampilon.
Ang Paaralang Pang-alaala kay Francisco Balagtas sa pamumuno ng masipag at maaasahang punongguro, Dr. Marites SA. Sumalabag ay nagkamit ng iskor na 5 sa Office Performance Commitment and Review o OPCR.
Ito ay isang katunayan na sa kabila ng mga nararanasan ng paaralan na kalamidad tulad ng pagbaha ay hindi pa rin matatawarana ang husay at dedikasyon ng bawat isa upang maging maayos ang ating sintang paaralan.
Makalipas ang halos dalawang buwang bakasyon, muling magbabalik sa paaralan ang mga mag-aaral ng Francisco Balagtas Memorial School sa pagsisimula ng Taunang Pampaaralan 2024-2025.
Upang masiguro na maayos ang kalagayan ng mga mag-aaral at guro sa pagpapatupad ng Oplan Balik Eskwela, ang paaralan ay nagsagawa ng Brigada Eskwela upang maging maayos ang bawat silid-aralan at bawat pasilidad ng paaralan.
Sa pangunguna ng ating Tagapamasid Pampurok, Dr. Lorelina G. Sierra at Punongguro ng FBMS, Dr. Marites SA. Sumalbag.
Nationalism, Patriotism and Global Citizenship