KASAYSAYAN NG PAARALANG
PANG-ALAALA KAY FRANCISCO BALAGTAS
KASAYSAYAN NG PAARALANG
PANG-ALAALA KAY FRANCISCO BALAGTAS
Ang Mababang Paaralang pang-alaala kay Francisco Balagtas ay itinayo noong 1920 upang magsilbing pandayan ng kaalaman ng mga mag-aaral.
Nagsimula ang paaralan sa tatlong silid-aralan. Ito ay matatagpuan sa harapang bahagi ng lupaing may lawak na sampung metro kwadrado (10,000 sq.m ). Ito ay nabili at natituluhan upang maging matatag ang kinatatayuan ng paaralan. Sa nasabing tatlong silid na kung tawagin ay Gabaldon,nagsimulang yumabong ang kaisipan ng mga mag-aaral ng Panginay sa tulong ng kanilang piling mga guro. Walang malinaw na tala kung sino ang namuno sa paaralang noong panahong yaon hanggang sumapit ang taong 1946.
Taong 1946 nagsilbing punong-guro ng paaralan si Severino Cruz. Natapos ang paglilingkod ni Gng.Cruz noong 1952 at sinundan naman ito ni G. Braulio Policarpio.Sa panahon ng kanyang panunungkulan ay naitayo ang Army Type building noong 1956-1957 upang patuloy na matugunan ang paglago ng bilang ng mga mag-aaral.
Isang mamamayan mula sa Quezon City ang nagsilbing punong-guro ng paaralan noong 1964-1966 sa katauhan ni Gng.Lesmes Avena. Sa panahon ding iyon naging ‘show window’ ang paaralan dahil sa kaniyang pagsisikap na ito’y pagandahin.
Noong 1966-1969, nagsilbing punong guro si Gng. Bernanda Gonzales. Ang kanyang panunungkulan ay sinundan naman ng isang matalinong punong guro sa katauhan ni G. Jose Juňiga.
Dahilan sa patuloy na paglaki ng populasyon ng pamayanan, patuloy din ang pagdami ng mag-aaral sa paaralan. Bunga nito ay naipatayo ang RP-US Bayanihan Building, sa ilalim ng pamamahala ni G. Rafael Landayan na tumagal ng halos sampung taon sa paaralan ( 1972-1982 ). Noong 1980, ipinatayo ang “ H.E BUILDING". Taong 1981 naipatayo ang “Bagong Lipunan Building “at “ School Canteen “ at sa pamamahala din ni G. Rafael Landayan nagkaroon ng maraming karangalan ang paaralan sa iba’t-ibang larangan at ito’y naging ‘ Flagship ‘ din sa Filipino.
Sumunod namang naging punong-guro sa paaralan ay si Gng. Sol Avillanosa na tubong San Juan sa nasabing bayan. Isang mahusay pa ring punong-guro na nagmula sa bayan ng Balagtas ang humalili kay Gng.Sol Avillanosa sa katauhan ni Gng. Violeta Bautista. Sinalubong ng paaralan ang kanilang bagong punong-guro sa katauhan ni G.Jacinto C.Balmeo noong 1987 na naninirahan sa San Juan sa nasabing bayan. Ipinatayo rin sa ilalaim ng kanyang pamumuno ang ‘ Chinese Building “ na binubuo ng tatlong silid-aralan na matatagpuan sa gawing likuran sa dulong bahagi ng paaralan.
Noong 1994-1996 naman ay naging punong -guro sa paaralan ay ang isa pa ring tubong Balagtas na si Gng. Enchee M. Calalang. Noong 1996-1998 , si Dr.Oliva G. San Miguel ang naging punog-guro na kung saan ay nagtuloy-tuloy pa ang mga karangalang natamo ng paaralan. Taong 1998 pinamunuan naman ni Gng.Luceria D. Cabreros ang paaralan, dahil sa kanyang angking kasipagan ay naitaas niya ang antas ng pagtuturo at ang patunay nito ay ang maraming karangalang nakamit ng paaralan.
Noong 2003 ay pinalad pa rin ang paaralan na magkaroon ng mabait,matalino at masipag na punongguro sa katauhan ni Gng.Flordeliza L.Emano. Sumunod na punong-guro ay si G. Marcelino B. Surio noong 2013.Tumagal sya rito nang mahigit limang taon. Pumalit na punong guro ay si Gng.Teresita S. Lopez na naging guro ng paaralan noong umpisa pa lang sa larangan ng pagtuturo.
Noong Mayo 2020 ,dumating si Dr. Marites SA.Sumalbag na naging punong guro ng paaralan noong kasagsagan ng pamdenya. Sa ngayon ang Paaralang Pang-alaala kay Francisco Balagtas ay binunuo ng tatlumpung (30) guro, dalawang (2) security guard, dalawang (2) utility at isang (1) administrative officer na syang nagsisilbi sa 1058 na mga mag-aaral.