AGENDA
Mga Paksa o Agenda
Layunin ng Proyekto
Para Kanino ang Proyekto
Benepisyo ng Proyekto sa komunidad
Bakit kailangan isagawa ang proyekto
Proseso sa paggawa ng plastik sa bricks
Pros and cons
Paano gagawan ng sulusyon ang pros and cons
budget
Screenshot o litrato ng pagpapadala:
Paraan ng pagpapadala sa miyembro: (email at google calendar)
KATITIKAN NG PULONG
Bricks ng Bayan: Plastik na Yaman project
Pasig City
Buwanang Pulong ng Grupo
Nobyembre 18 , 2024
APEC Schools - C. Raymundo
Layunin ng Pulong: Pagtatalakay sa proyektong “Bricks ng Bayan: Plastik na Yaman Project”
Petsa/Oras: Nobyembre 18, 2024
Tagapanguna: Art Simon Tutor
Bilang ng mga Taong Dadalo: 7
Mga Dumalo:
Irish Jewel Rufo – Kalihim (Secretary)
Jhean Khairyll Gustilo – Tagapangasiwa ng Dokumentasyon (Documentation Manager)
John Marko Garganta - Tagapag-ugnay ng Komunidad (Community Liaison)
John Rovick Malang – Tagapamahala ng Logistik (Logistics Manager)
Samuel Terrence Dias – Tagapagplano ng Gawain (Project Planner)
Ethan Ziv Agbayani – Tagapamahala ng Mga Materyales (Materials Manager)
Liban: Wala
Pagbubukas ng Pulong (Call to Order)
Sa ganap na alas 2:00 ng hapon ay pinasimulan ng leader na si art simon tutor ang pulong sa pamamagitan ng pagtawag sa atensyon ng lahat.
Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Ethan Ziv Agbayani
Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Tutor Art Simon bilang tagapanguna ng pulong. Pinangunahan niya ang pagbati at siniguro na ang lahat ng dumalo ay maayos na nakaupo at handa na sa diskusyon. Sinimulan niya ang pagpupulong sa pamamagitan ng pag tatanong sa layuin ng proyekto
Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
Ang nagdaang Katitikan ng Pulong na ginawa noong Nobyembre 18, 2024. Ang katitikan ng nakaraang pulong ay binasa, walang komento o pagbabago, at ito ay pinagtibay ng mga miyembro sa mungkahi ng isa at pagsang-ayon ng iba.
Pagtalakay sa Agenda ng Pulong
Ang sumusunod ay ang mga Agenda ng paksang tinalakay sa pulong:
Paksa
Layunin ng proyekto
Para Kanino ang Proyekto
Benepisyo ng Proyekto sa komunidad
Bakit kailangan isagawa ang proyekto
Proseso sa paggawa ng plastikbricks
Pros and cons
Paano gagawan ng solusyon ang pros and cons
Budget para sa proyekto
Talakayan
Ibinahagi ni art simon tutor kung ano ang layunin ng proyekto at sinabi rito ang. lumikha ng eco-friendly bricks mula sa mga plastic waste upang makatulong sa pagresolba ng problema sa polusyon at makatulong sa komunidad.
Tinalakay ni art simon tutor kung para kanino ang proyekto at sinabi nito na ang pryoekto na ito ay para sa mga nagkaka issue sa plastik na madalas ngyayari sa pasig city jennys street
Tinalakay ni Ethan Ziv Agbayani ang mga benepisyo ng proyekto tungo sa economiya, konstruksyon at kapaligiran
Tinalakay ng aming grupo ang mga dahilan kung bakit kailangan isagawa ang proyekto
Tinalakay ni Samuel Terrence Dias ang mga proseso ng paggawa ng mga bricks na gawa sa plastik na sakop ng proyektong ito
Tinalakay ni John Marko Garganta ang mga kalamangan at kahinaan ng proyektong ito
Tinalakay ni John Marko Garganta ang tungkol sa mga solusyon para sa proyektong ito
Tinalakay ni John Rovick Malang ang budget para sa proyektong ito
Aksyon
Pagbuo ng prototype ng mga bricks.
Mag-organisa ng community meeting para ipaliwanag ang proyekto at magrecruit ng mga volunteers na makikilahok sa recycling at paglikha ng plastic bricks.
Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa mga presyo ng mga materyales sa konstruksiyon, integridad ng istruktura ng mga materyales at mga epekto ng mas mababang plastic sa kapaligiran
Kinakailangan na maisagawa ang proyektong ito upang mapakinabangan ng mga mamamayan ang mga basurang nakakalat sa paligid sa pamamagitan ng pag recycle nito
Ang layunin ng proyektong ito ay mabawasan ang bilang ng mga basura sa pamamagitan ng paghalo ng mga plastik sa mga materyales na maaaring gamitin sa industrya. Ang proyektong ito ay binubuo lamang ng dalawang proseso. Ang unang proseso ay ang pagpilas ng mga plastik kung saan ihahalo ito sa mga materyales para sa mga iba pang proyekto. Ang pangalawang proseso ay ang pagtunaw ng mga plastik sa pamamagitan ng paggamit ng apoy o “supercritical treatment”.
Pros: Ang ideyang ito ay nakakatulong upang mabawasan ang plastic pollution at nag-uugnay sa mga komunidad upang gumawa ng mabuti para sa planeta. Parang hands-on na paraan ito para matuto tungkol sa problema ng plastic at maghanap ng mga solusyon. Dagdag pa, kapag pinagsama mo ang mga ecobricks sa iba pang mga ideya sa green building, makakagawa ka ng talagang matitibay at eco-friendly na mga istruktura.
Cons: Hindi lahat ng proyekto sa pagtatayo ay angkop para sa mga ecobricks, at maaaring mangailangan ng maraming trabaho ang pagkolekta, pag-uuri, at pag-iimpake ng lahat ng plastik na iyon. Mahalaga rin na matiyak na mahigpit na naka-pack ang mga brick, dahil kung hindi, maaari silang maging hindi matatag o hindi ligtas. At siyempre, kailangan tayong maging maingat kapag nagtatrabaho sa plastic waste, lalo na kung kontaminado ito o maaaring nakakalason.
Ang mga ecobricks ay isang promising na solusyon para sa pagbawas ng plastic waste. Upang mapabuti ito, maaaring mag-organisa ng mga community cleanups at recycling efforts. Ang kaligtasan at katatagan ay mahalaga, at maaaring magtatag ng malinaw na mga alituntunin para sa paglikha ng matitibay na ecobricks. Maaari ring tumulong ang mga inhinyero sa pagdidisenyo ng mga gusaling nakabatay sa ecobrick. Ang mga ecobricks ay maaaring gamitin sa abot-kayang pabahay, mga community center, at mga paaralan, at dapat na itaguyod ang kanilang paggamit para sa matalinong paggawa ng desisyon. Ang patuloy na pagpapabuti at pakikipagtulungan ay maaaring gawing isang makapangyarihang kasangkapan ang ecobricking para sa proteksyon ng kapaligiran at isang mas magandang kinabukasan.
Ang nakalaan budget para sa mga machine ay ₱200,000 - ₱500,000 sa plastic melter machine at ₱80,000 - ₱100,000 para naman sa shredder machine.
Taong Magsasagawa
Art Simon Tutor – Tagapamuno (Leader)
Irish Jewel Rufo – Kalihim (Secretary)
Jhean Khairyll Gustilo – Tagapangasiwa ng Dokumentasyon (Documentation Manager)
John Marko Garganta - Tagapag-ugnay ng Komunidad (Community Liaison)
John Rovick Malang – Tagapamahala ng Logistik (Logistics Manager)
Samuel Terrence Dias– Tagapagplano ng Gawain (Project Planner)
Ethan Ziv Agbayani– Tagapamahala ng Mga Materyales (Materials Manager)
Inihanda ni:
Art Simon Tutor
Ulat ng Ingat-Yaman
Itinataas ni Tutor Art Simon ang tanong kung saan kukunin ang pondo para sa proyekto. Bilang tugon,
Mosyon: Nagmungkahi ang Materials Manager na si Ethan Sig Agbayani na maaari humingi ng pondo mula sa gobyerno.
Pagtatapos ng Pulong
Sa dahilang wala nang anomang mga paksa na kailangang talakayin at pag-usapan ang pulong ay nagtapos sa ganap na 2:30 ng hapon
Iskedyul ng susunod na Pulong:
Para sa iskedyul ng susunod na pulong, wala pa pong itinakdang petsa sa kasalukuyan
Inihanda at isinumite ni:
Art Simon Tutor
SINTESIS
Katitikan ng Pulong ng San Pascual Cooperative Council ng Bulacan
Mga Dumalo:
G. Art Simon Tutor – Tagapamuno (Leader)
Bb. Irish Jewel Rufo – Kalihim (Secretary)
Bb. Jhean Khairyll Gustilo – Tagapangasiwa ng Dokumentasyon (Documentation Manager)
G. John Marko Garganta - Tagapag-ugnay ng Komunidad (Community Liaison)
G. John Rovick Malang – Tagapamahala ng Logistik (Logistics Manager)
G. Samuel Terrence Dias – Tagapagplano ng Gawain (Project Planner)
G. Ethan Ziv Agbayani – Tagapamahala ng Mga Materyales (Materials Manager)
Mga Hindi Dumalo:
Wala
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni G. Ethan Ziv Agbayani (Tagapamahala sa mga materyales) sa pagkuha ng atensyon sa bawat isa at sa isang munting panalangin sa ganap na 2:00 nang hapon sa lugar ng APEC Schools C. Raymundo sa Room 101. Pagkatapos ng panalangin ay nagtanong si G. Art Simon Tutor (Tagapamuno) kung may kopya na ba ang lahat ng agenda. Nang umoo ang lahat, ipinaliwanag ni G. Art Simon Tutor ang magiging layunin ng proyekto. Tinawag niya si G. John Marko Garganta upang ipaliwanag pa nang husto kung tungkol saan ang proyekto. Ipinaliwanag ni John Marko Garganta na ang proyekto na aming gagawin ay tinatawag na "PlasticBricks: Pagpapalit ng Basurang Plastik sa mga Materyales ng Paggawa." Idinagdag naman ni Art Simon Tutor na ang layunin nito ay makatulong sa komunidad na may malaking problema sa plastik waste sa pamamagitan ng pag-recycle ng mga plastik at paggawa ng mga materyales na magagamit sa konstruksiyon.
Nagtanong naman si Art Simon Tutor kung ano ang magiging benepisyo nito sa komunidad, nagbigay naman ng opinyon si Samuel Terrence Dias ng isa sa pwedeng maging benepisyo ng pagsasagawa ng proyektong ito. Para sa koleksyon ng plastik, maglalagay ng drop-off points sa mga barangay halls, eskwelahan, at iba pang public places. Idinagdag pa ni Samuel na plano rin naming magsagawa ng community clean-up drives at makipag-partner sa mga lokal na junk shops para sa tuloy-tuloy na supply ng plastik.
Para po sa paggawa ng bricks mula sa plastik, una po naming gagawin ay ang pagsesegregate ng mga nakolektang plastik base sa kanilang uri. Pagkatapos po nito, lilinisin at huhugasan namin ang mga plastik para matanggal ang mga dumi. Ang malinis na plastik po ay idadaan sa isang makina para durugin at gawing maliliit na piraso o granules. Kapag nadurog na po ito, papainitin namin hanggang matunaw, tapos ilalagay sa mga molds na hugis brick para tumigas. Sa huli po, susuriin namin ang kalidad ng mga natapos na plastic bricks para masigurong matibay at ligtas itong magamit sa mga construction projects.