Isinigawaang "Bricks ng Bayan: Plastik na Yaman Project'' upang tugunan ang lumalalang problema sa plastik na basura na nakakasira sa ating kalikasan. Sa halip na itapon o sunugin ang mga plastik, na nagdudulot ng pagbaha at polusyon, ang proyekto ay nagbibigay ng solusyon sa pamamagitan ng pagre-recycle at paggawa ng kapaki-pakinabang na materyales tulad ng bricks. Layunin nito na makatulong sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kayang materyales sa konstruksyon at pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa tamang pangangasiwa ng basura. Ang proyekto ay isang hakbang tungo sa mas malinis na kapaligiran at mas maunlad na komunidad.