No audience to impress, just stories in progress.
July 16, 2026. I really look up to you. You are the woman I aspire to be. Hindi ka lang naging friend sakin, naging ate rin. Sa 1 year nating magka-work at magkaibigan, grabe ang taas ng respeto at paghanga ko sayo.
Salamat sa treat and one of the core experience na pinaranas mo sakin. Ang makakain sa fine dining restaturant tapos pang Italy pa. Ngayon ko lang na-realize na pang italian ata ang panlasa ko charot.
Magiging malayo ka na naman. Ang taas taas mo na talaga huhu, someday ma-re-reach ko rin ang taas na meron ka dahil I really aspire to be like you! Sobrang grateful ko sa mga naririnig kong stories sa'yo kasi pag nakikinig ako sayo, na-h-heal yung parts sakin na malungkot.
Ayoko pala talaga maging cabin crew as a career (siguro 1 yr experience lang HAHA) dahil sa mga kwinento mong dark sides kaya bow down talaga sayo kasi despite the sobrang hirap na work sa airline is nakayanan mo dahil passion mo sya.
Thank you for this day dahil mas nag-spark lang ulit ang desire ko to be in a food and beverage industry. Hindi mo lang alam pero binalik mo yung pangarap kong magkaroon ng restaurant for myself dahil sa araw na 'to.
Pag kasama talaga kita, lagi akong nangangarap. Parang lagi akong may future at nagiging vision kaya salamat sa buhay mo ate Yet. Thank you kay Lord dahil hindi ko naman deserve ang mga taong tulad mo pero hinayaan pa rin ni Lord na makilala kita. I love you my ate and sister Yet! If only you knew how grateful I am to meet you in this lifetime. Take care sa iyong next big chapter! <3
July 3, 2026. Bago mag long weekend kasi wala na kaming shift neto (friday) mamayang gabi dahil independence day sa US, naisipan kong i-libre si Tasha.
At shet, kaya pala gustong gusto ko sya ilibre non kasi birthday nya na kinabukasan! I am so happy nung nalaman ko yon kasi ang lakas pa rin pala ng discernment ko WAHHAHAAHA.
Happy birthday ulit Tasha sana magkita pa tayo every onsite noh na once a week HAHA. Kaso mukang malabo na kasi sabi mo nga ang galing mong mag-dahilan para lang 'di makapag-onsite.
Hybrid tayo pero ginawa mo namang permanent work from home iyo HAHAHAHA!
June 30, 2026. First time namin ng bago kong mga ka-team na nagsama-samang kumain sa pantry. Except Sherlina na nasa sleeping quarters at hindi naman na sya bago kasi friend ko na sya noon sa previous account namin.
Feb 2025 nung na-hire ako sa Carelon. Nagkaroon din ako ng apat na friends for almost a year dun sa pinaka-dabest kong naging account. Ang PA Intake Back Office.
Mga Faxers kami nan nila ate Yet na flight attendant, kuya JL na traveller at Kuya Akheem na barista. Solid nilang kasama!
Kaso nalipat ako sa UMI. Ang pinaka-the worst kong account pero ang pinaka-nakatulong para tuluyan kong maiwanan ang phase kong niyayakap masyado ang kadiliman dahil sa naging breakup namin ni EJ.
Grabe ang onsite training namin dito, umabot ng almost 2 months tapos sa Ortigas pa! Dito ko rin nakilala ang Imnida Family na si Sherlina lang nagpatuloy kong kaibigan mula sa circle na yun at sya rin ang kasama ko pa din hanggang ngayon dito sa Caretria dahil nag-volunteer sya!
At ito na nga ang sapilitang paglipat ko sa Caretria. Natakot pa ako dito kasi sabi worst account daw 'to pero takte, nung nandito na ko hindi pala. Yes, calls sya pero sheesh! Ang haba ng avail time lagi.
Dito rin ang pinaka-dabest kong naging mga ka-team so far! Nakilala ko si mami Naz na happy pill ko tapos si Tasha na kasing edaran ko lang. Like finally! May naging kasing edad din ako na friend sa workplace. Si Sherlina, 'di na bago kasi friend ko yan sa UMI tapos si Kurt na poging bading, si MJ na pumapasok ket may sakit tapos si mami Andrea na ang bigatin ng mga naging work dati sa healthcare industry tapos si Jarren na introvert, si Ejay na ang daldal at si Sofie na soon to be AM namin lol.
June 18, 2026 nung naiwanan ulit ako eyyyyy.