SAFETY PRECAUTION IN USING PESTICIDE
(Bago gumamit ng Pestisidyo)
Siguraduhing maayos na gumagana ang isprayer at iba pang gamit sa pag-ispray.
Ihanda ang pang proteksyon pag nag iispray kagaya ng long sleeve, pantalon, guwantes at mask.
Basahin at sundin ang instruksyon ng label ng pestisidyo bago magsimula ng pag ispray.
Sundin ang tamang dosage ng pestisidyo na naayon sa label.
(Habang gumagamit ng Pestisidyo)
Huwag kumain, uminom at manigarilyo habang nag-iispray.
Iwasan ang paghawak sa mukha kapag nag-iispray.
Mahugas ng kamay at mukha gamit ang sabon at tubig.
Ihiwalay at labhan ang damit, guwantes na ginamit sa pag-iispray.
Itago ang sobrang pestisidyo na di abot ng bata at malayo sa alagang hayop.
Patuyuin muna ang taniman na isprayhan bago ulit pasukin.
Kumunsulta agad sa pinakamalapit na Ospital at Doctor. Tumawag din sa mga sumusunod na HOTLINE Numbers na naaayon sa inyong lugar.
National Poison Management and Control Center
PGH, Manila
Tel. (02) 521-8450 loc. 2311 • (02) 524-1078