Tiniyak ng ating MAYOR CARLO ELEAZAR na isa ang barangay Munting Parang sa mga barangay na mapagkakalooban ng maraming proyekto ngayon at sa susunod na taon.
Isa na dito ang proyektong kalahating Milyong piso para sa panimulan sa itatayong Covered Court ng barangay at ipagpapatuloy naman ng ating CONGW. DRA. HELEN TAN, 1.5M piso pondo naman ang nakalaan para sa Road Concreting ng critical portion ng nasabing barangay
Kahilingan naman ni Kapitan Leonilo Baldejueza ang Day Care Center na nakatakda naman ilapit ng ating PUNONGBAYAN CARLO ELEAZAR sa ating Senator Nancy Binay at ang isa pang Road Concreting para sa sitio Maligaya na nakatakdang ilapit sa ating Senator Tito Sotto. Ito ay sa papasok ng sitio Maligaya na dadaan sa Slaughter House na lalabas sa Tagkawayan National High School na may kasamang covered walk.
A group seeking to promote, protect, and preserve the beautiful sights and sceneries of Tagkawayan.
Ang tangggapan po ng MENRO ay nagpapasalamat sa inyong pagtugon at pakikiisa sa ating isinagawang International Coastal Clean-up day sa pangunguna ng ating punong bayan Kgg. LUIS OSCAR T. ELEAZAR kasama ang Sangguniang Bayan.
Maraming salamat sa mga mamayan at Organisasyon at Sangguniang Barangay ng Rizal sa pangunguna ni kapitan Edgardo O. Herras.
Patuloy tayong magsama-sama sa mga gawaing pangangalagang pangkalikasan.