I.
Ang Pilipinas nating pinakamamahal
Atin ngang itaas ang sulong ating tinatangan
Ang repormasyon, ang pagbabagong inaasam
Ay sama-sama natin ngang kakamtan
II.
Ang kapalarang nasa mga kamay natin
Ang makita ang Pilipinas na maunlad rin
Ang Perlas ng Silanganang tinatahanan
At ang ating pagkakaisa'y ibandila
Pre Chorus:
Kaya halina at tayo'y magsama-sama
Kamtin ang pagbabagong ninanasa
Chorus:
Kilusang Repormasyon ng Pilipinas
Sa pagbabago, sama-sama tayo
Tungo sa Pilipinas na progresibo
Ating makakamtan ang pagbabago.
Not available