TAO MSMPC joins Brigada Eskwela 2026
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
ICYMI: Nakiisa ang TAO MSMPC, kasama ang iba't ibang kooperatiba sa Pasig at ang Pasig City Cooperative Development Office, sa Brigada Eskwela 2026 na ginanap noong Hunyo 2, 2026 sa Pasig Elementary School. 🏫
Sa diwa ng kooperasyon at bayanihan, sama-samang naglaan ng oras, lakas, at suporta ang mga kooperatiba upang makatulong sa paghahanda ng paaralan para sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan. 🌿
Ang inisyatibong ito ay patunay na ang pagkakaisa ng komunidad at pakikipagtulungan ng iba't ibang sektor ay may mahalagang papel sa paglikha ng ligtas, maayos, at mas kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral at guro sa ating lungsod. 💚🙌
Strengthening Our Members’ Businesses Through BCP Seminar!
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
ICYMI: Noong June 11, 2026, nagkaroon ng Business Continuity Plan (BCP) Seminar sa TAO MSMPC na handog ng Pasig City Local Economic Development and Investment Office. 💼📈
Nagbahagi ng kanyang kaalaman at expertise si Ms. Allysa Anne M. De Guzman mula sa University of the Philippines Institute for Small-Scale Industries (UP ISSI), na nagbigay ng mahahalagang insights at praktikal na kaalaman para sa ating mga aspiring at existing entrepreneurs.
Layunin ng seminar na ito na tulungan ang ating mga miyembro na mas maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Business Continuity Plan — isang gabay upang maging mas handa, matatag, at patuloy na mapaunlad ang kanilang negosyo kahit sa harap ng iba’t ibang hamon. 💪
Dinaluhan rin ito ng ating mga aktibong miyembro ng kooperatiba na may sariling negosyo at mga miyembrong nais magsimula ng kanilang entrepreneurial journey.
Maraming salamat sa Pasig City Local Economic Development and Investment Office at kay Ms. De Guzman sa inyong suporta at pagbabahagi ng kaalaman! 💚🙌
Pre-Membership Education Seminar sa Kapwa Ko Tulungan (KKT) Organization!
ICYMI: Noong June 13, 2026, matagumpay na isinagawa ang Pre-Membership Education Seminar (PMES) ng TAO MSMPC para sa Kapwa Ko Tulungan (KKT) Organization sa Brgy. Muzon, Taytay, Rizal.
Ang seminar ay pinangunahan ni GM Marina Padayao bilang tagapagsalita, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa pagiging bahagi ng isang kooperatiba, kahalagahan ng pagtutulungan, at responsableng pagiging miyembro nito. 🤝
Maraming salamat sa lahat ng dumalo! 💚