Ako at Ako
Ako at Ako
by Yesha Nicholai Lao (12C - STEM)| Published May 2023
Bawat araw ay kay hirap,
Araw na tila’y ubod ng sama.
Ngunit ito ang nagtuturo sa’tin,
Kung ano ang buhay.
Tila nag-iisa,
Tila naliligaw,
Sarili lamang ang maaasahan,
Sa pagsubok na kinakaharap.
Tagumpay na kay hirap abutin,
Bawat isa’y hindi dapat sumuko.
Magtiwala sa sarili,
Magsikap kang totoo.
Pipiliting bumangon,
Sa hirap at ginhawa.
Pagsisikap ay napakahalaga,
Sa huli’y siguradong mapapangiti ka.
Tagumpay,
Isa sa rason para mabuhay.
Sa atin nakasalalay,
Ang tagumpay sa ating buhay.