Search this site
Embedded Files
TANGLAW 萤光学社《侨中学生》
  • Homepage 主页
  • About Us 关于我们
    • PCC Tanglaw
TANGLAW 萤光学社《侨中学生》
  • Homepage 主页
  • About Us 关于我们
    • PCC Tanglaw
  • More
    • Homepage 主页
    • About Us 关于我们
      • PCC Tanglaw

FEATURES

PCCians, nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022

by Kaleah Dominique Sy (12A - ABM), Janelle Xu (12A - HUMSS), Marvin Co (12C - STEM), Yesha Nicholai Lao (12C - STEM) | Oktubre 2022

Muling nakiisa ang buong komunidad ng PCC, kampus ng Maynila sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang  “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”. 

 


Isang buwan naramdaman ng buong paaralan ang diwa ng pagka-Pilipino dahil sa selebrasyong ito. Sa araw ng pagbubukas ng Agosto, binuksan agad ng PCC ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang HyFlex na programa. Ito ay naisagawa sa ganap na ika-9:00NU na nilahukan ng mga administrador, mga guro at mga mag-aaral mula baitang 4 hanggang 12.

Sa pagbubukas ng pagdiriwang, naghandog ang mga piling  administrador, mga piling guro at mga piling mag-aaral ng mga bulaklak kay dating Pangulong Manuel L. Quezon, na tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Ang gawaing ito ay paraan ng pagbibigay-pagkilala sa kanyang nagawa upang mabigyan ng puwang ang pagkakaroon ng sariling pambansang wika ang Pilipinas. Nagsagawa rin ng mga pagtatanghal gaya ng pagbigkas ng tula ng mag-aaral na si Daniella Nepomuceno (4A) at ang pag-awit ng Gng. Leslie Anne D. Aton, guro sa HELE/TLE. 

Bawat linggo ng buwan ng Agosto, nagkaroon ng iba’t ibang gawaing pansilid ang mga mag-aaral kaugnay sa pagdiriwang gaya ng pagkilala sa Pang. Quezon, pagtalakay sa ebolusyon ng Filipino, at mga gawaing nagpapahiwatig ng pagka-Pilipino. Ang mga ito ay pinangunahan ng  mga guro sa Filipino. 

Noong Agosto 26, 2022, isang birtuwal na palihan ang isinagawa. Ito ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Senior High School at ng lahat ng mga empleyado mula sa PCC-Maynila. Ito ay pinangunahan ng tagapagsalita na si G. Casimiro B. Reyes, isang propesor sa FIlipino ng The National Teachers College. 

Ipinaliwanag ni G. Reyes kung paano nakatutulong ang wika sa pagtuklas at paglikha, gaya ng nakasaad sa tema para sa taong ito. Ayon kay G. Reyes, “Sa mga katutubong wika nakaimbak ang malawak na kaalaman ng bawat komunidad ukol sa kanilang paligid na matagumpay nilang natipon at naisalin sa pagitan ng mga henerasyon.” Napakayaman ng kaalamang pangkalikasan ng mga katutubo at magandang tingnan ito sa pamamagitan ng kanilang wika, kanyang idinagdag.

Ang pagkikila sa mga wika ng bawat pamayanan bilang wika ng representasyon hindi lamang sa paglalahad ng kanilang mga hinaing at suliranin kundi bilang bahagi ng solusyon. Ang Artisanal Fisheries ay nangangahulugang “likha o gawa ng kamay” at ginagamit upang ilarawan ang mga produktong likha ng mga eksperto o skilled workers. Sa pamamagitan nito, ang pagpapalaganap ng mga kabatiran ukol sa Artisanal Fishery ay isang paraan upang makatulong at makapagbigay ng oportunidad sa ating mga mangingisda.

Nag-iwan ng isang kataga si G. Reyes mula sa Ama ng Wikang Pambansang si Manuel L. Quezon, “Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat.” 

Bilang pagtatapos ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022, isinagawa ang programang pinid-selebrasyon noong Agosto 31, 2022 na ginanap sa Zoom Video Conferencing.

Ang programang ito ay pinangunahan nina Christian Patrick Yulo (12C - STEM) at Aspen Zanchi Kang (11A - STEM) bilang tagapagdaloy ng programa. Sa programang ito, itinampok ang mga natatanging gawa ng mga piling mag-aaral sa sekondarya. Ito ay ang mga sumusunod: 

  • Baitang 8A - isang maikling dula na nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon na kung saan kasangkapan sa pakikipag- unawaan sa iba’t ibang panahon at lugar ang wikang Filipino.

  • Baitang 9B - isang makabagbagdamdaming tula na naaayon sa tema ng selebrasyon.

  • Baitang 10 - pagbabahagi ng mga pananaw tungkol sa iba’t ibang napapanahong isyu.

  • Baitang 12C - isang bidyong sanaysay na naaayon sa tema ng selebrasyon.

Muling naghandog ng awitin si Gng. Aton, ito ay  ang awiting may pamagat  na “Ako na Muna” ni Angel Ken. 

Labis ang naging pasasalamat ni G. Daryl B. Teves, tagapag-unay ng FilSocMATLE at mga guro sa Filipino dahil sa maayos at makabuluhang mga programa para sa pagdiriwang sa taong ito. “Nawa’y marami kayong natutuhan at baunin niyo ang mga ito sa pang-araw-araw dahil ito ang mas magpapatatag sa inyo bilang mga Tsino-Pilipino rito sa Pilipinas.” ani G. Teves. 


>>> BACK TO (返回) FEATURE
>>> BACK TO (返回) HOMEPAGE

CONTACT US

SCHOOL WEBSITE: https://www.philippineculturalcollege.edu.ph/FB:  https://www.facebook.com/tanglaw2021/ GMAIL:  tanglawpccmain@gmail.com 

Copyright © 2025-2026 Philippine Cultural College - Main Campus | All rights reserved. 
Google Sites
Report abuse
Page details
Page updated
Google Sites
Report abuse