berdeng nagdurusa
berdeng nagdurusa
ni Aspen Zanchi Kang (9A) | Araw ng Pagkakalathala: Nobyembre 2020
Tirik na araw, kay liwanag ng sinag,
Manonoot ang init na napakamaalinsangan.
Ang dating bitamina sa katawan, ngayo’y banta,
Banta sa kalikasan at sa sangkatauhan.
Pagpapaunlad ng industriya’y tuloy-tuloy,
Kagubata’y pinipinsala at ipinasusunog,
Mga pagawaan at mga pabrika’y ipinatatayo,
Kaya walang tigil sa pag-ubo ng usok.
Walang sariwang hanging malanghap
Nagsusumiksik sa ilong mga amoy na hindi kaaya-aya.
Ereng pinaliligiran ng itim na ulap.
Mga langis sa tubig ay naglalanguyan.
Kaunting ulan, mala-dagat ang magbabadya.
Mantsa ng putik ay tiyak na maiiwan.
Mga supot at mga boteng nagtatampisaw,
Niluluwa pabalik sa pinanggalingan.
Ito na ang kinahinatnan.
Bunga na ito ng pagpapabaya.
Inang kalikasa’y humihiyaw.
Lunasan ang kanyang mga sugat.