Tuloy ang Pasko
Tuloy ang Pasko
ni Jayden Garcia (12B - HUMSS) | Araw ng Pagkakalathala: Disyembre 2020
🌟
Sa
pagsapit ng
dilim, ang mga
parol ay nagniningning,
Ngunit hindi ito kasing liwanag at
saya tulad ng dati.
Dating wagas ang ingay ng mga
salu-salo at karoling. Tahimik at
hiwa-hiwalay ang mga pagdiriwang ngayon.
Hindi tulad dati na
sama-samang isinasagawa,
ang mga tradisyong monito-monita,
simbang gabi at noche buena. Subalit, gaano man
kalayo ang distansya, sa puso't isipan
ay laging magkasama saan man magpunta.
Kahit wala ang magarbong handa, basta't maayos
ang kalagayan ng isa't isa. Sa panahon ngayon, marami ang
nagbago, pero
darating ang
panibagong
simula, ibabalik
din ang saya,
liwanag at ligaya.