(Sa Wakas!) May Simula
(Sa Wakas!) May Simula
ni Kaleah Dominique Sy (10A) | Araw ng Pagkakalathala: Enero 2021
Bagong taon na,
Ngunit mayroon pa ring pangamba,
Dahil dama pa rin ang pandemya.
Lahat ay labis na nag-iingat,
Nang hindi nito madapuan.
CoVid-19 sa buong mundo,
Nagbibigay pa rin ng takot.
Hanggang kailan kaya ganito?
Tiyak na tanong ng sansinukob.
Buti na lang, itong siyensiya,
Gumana’t may natuklasan.
Kaya sinag ng liwanag,
Unti-unti nang nasisilayan.
Ang tuklas na bukang-liwayway,
Panibagong pag-asa sa lahat.
Sa suliraning magwawakas,
Magbibigay-daan sa panibagong simula.
Sana’y tuluyan nang matuldukan,
Kinahaharap na pahirap.
Nang makabalik na sa dating normal,
Lalabas nang wala ng pangamba.