Barangay Santo Angel (commonly known as Ilog) is located in the northeastern portion of the city and bounded by Brgy. San Lorenzo on north, the municipality of Rizal, Laguna on east, Brgy. San Diego on south, and Brgy. Dolores on west. Its population is 8,774 the third most populous barangay in the city. Three of the city’s seven lakes such as Kalibato, Yambo and Pandin can be found here.
Sto. Angel National High School, formerly known as SPCNHS-Annex 3 has been institutionalized since 1995. The school resides in the slope-y terrain with “loose soil type” that easily erodes during rainy days. Erosion was prevented by planting indigenous fruit-bearing trees (Mabolo, Cacao, Lipute, Kamias, Makopa) and Mulberry trees. The project Save Indigenous Trees and System of Total Rehabilitation of Agricultural Wastes (STRAW) program, a tie-up program with LSPU-Siniloan Campus closely monitors the growth and propagation of Mulberry trees for possible silk production in the near future.
Through REPUBLIC ACT NO. 10450, “An act separating the San Pablo City National High School - Sto. Angel Annex in Brgy. Sto. Angel, City of San Pablo, Province of Laguna from the San Pablo City National High School”, it has been converted into an independent national high school to be known as Sto. Angel National High School. The six-classroom school started with 280 students mainly from Brgy. Sto Angel as the “main feeder” and nearby Barangays, San Lorenzo, San Diego, Sta. Isabel and Concepcion. There were 5 teachers including the Teacher-in-Charge who handled the then “chairless” classes.
To date, Sto Angel National High School caters 572 students with 24 teachers, a principal and 2 non-teaching personnel handling the school’s finances. There are 15 classrooms, 2 of which are borrowed from Sto Angel Elementary School, 1 computer laboratory, 1 faculty room and an admin building. It has also a functional clinic and canteen/TLE lab with necessary tools and equipment for Bread & Pastry, Food & Beverage Services and/ or Cookery. The school offers K to 12 Curriculum with TLE specialization in Cookery and ICT for grades 9 and 10.
Hindi pa dumarating ang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuloan. Sa dakong dulong silangan ng nayon ay tinatawag na bayan ng San Pablo ay may isang lugar na pinaninirahan ng ilang malayo-layo ang mga agwat. Sa dakong silangan ng lugar na ito ang mga naninirahan tinatawag na taga-Ilaya at sa dakong ibaba nito ay tinatawag na taga-Kanluran. Wala pang tawag sa buong lugar.
Dumating ang pananakop ng mga Kastila. Minsan, ang mga sundalong kastila na nasa himpilan ng Bay ay umabot ang aliyon sa lugar na ito upang palawakin ang pananakop. Sapagkat noon ay wala pang daang tiyak at maayos gaya sa ngayon, daang tao at kabayo ang nag-uugnay sa mga nayon at bukid.
Isang araw, na maaya ang panahon, mayroong isang pangkat ng mga sundalong Kastila na kung tawagin ay mga ‘kasadores’ na sakay sa mga kabayo ang dumating sa mga taga-Ilaya. Dito sa lugar na ito ay may umagos na malinis, mala-kristal at malamig na Ilog na nagbuhat sa isang lawa. Itong tubig ng ilog na ito ay ginagawang igiban ng tubig na ginagamit, paliguan, labahan ng damit at piknikan ng mga taga-roon.
Hindi inaasahan ng mga baabing naglalaba at mga batang naliligo sa agos ng ilog ang pagsulpot na bigla ng mga nangangabayong sundalong Kastila. Sapagkat noon lamang nakakita sila ng mga sundalong dayuhan, ang iba sa dinatnan ay nangatakot, nagsiiwas, lumayo at nagtakbuhan. May mga naiwan at nagpatuloy sa kanilang ginagawa, ngunit may kaba ang dibdib.
Tumigil ang mga sundalong Kastila sa tapat ng mga nagsisipaglaba at nagsalita ang pinakapuno.
“Que este nombre lugar?”
Sapagkat hindi naintindihan ang sinabi ng pinuno ng sundalong Kastila walang naglakas ng loob sa mga naglalaba ang sumagot.
“Que este nombre?” Malakas sa dati ang pagtatanong.
Isang may kaidarang naglalaba ang sumagot ng “Ilog.” Sa pag-aakalang ang itinatanong ay ang umagos na tubig na kanilang pinaglalabhan sapagka’t doon nakaturo ang kamay ng nagsalita.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga dayuhan sundalo hanggang sumapit sila sa dakong ibaba ng may isa pang sapa na may malinis at malinaw na tubig sapagkat galing ito sa bukal. Ginagawa rin itong igiban ng tubig na inumin at gamit, labahan at paliguan. Dito’y may dinatnan din mga naglalabang mga babae at mga batang naliligo.
“Que este nombre lugar?” Tanong na muli ng puno ng sundalong kastila.
“Ilog.” Sagot ng mga naglalaba sa parehong pagaakala na ang itinatanong ay ang umaagos na tubig.
Sa paglisan ng mga sundalong kastila, nabuo sa kanilang isip na ang lugar na kanilang napuntahan ay “Ilog” ang pangalan.
Buhat noon ang dakong dulong silangan lugar o nayon ng bayan ng San Pablo ay kinilalang “Ilog” na hanggang ngayon ay may gayon pa ring tawag. At, ang mga naninirahan dito ay tinatawag na taga-Ilog.