Oplan Balik Eskwela Action Center (OBEAC)
ENROLLMENT UPDATE
LIST OF STUDENTS
(Updated September 1, 2021 12:00 PM)
Intayin lang po ang panibagong update...
PAALALA:
•Ang mga mag-aaral sa listahang ito ay dadaan pa sa screening o verification ng mga impormasyon upang matiyak na tama ang grade level ayon sa Learner Information System gayundin ang iba pang impormasyong ibinigay. Maraming Salamat po.
•Hindi pa kasama sa listahan ang mga nagpatala sa DROP BOX ENROLMENT sa paaralan dahil hindi pa ito na-consolidate dahil sa ECQ.
Intayin lang po ang panibagong update sa List of Students, Maraming Salamat po.
GRADE 7
GRADE 8
GRADE 9
GRADE 10
Official News of Sto. Angel National High School
Cluster 1
Iron Badiola - 2nd Place (Poomsae A Category)
One Laguna
Taekwondo Poomsae - Gold
“Face your book first before Facebook”
Ang tinuran ni Bise-Gobernador Atty. Karen C. Agapay sa isinagawang Book Donation sa Sto. Angel National High School, noong Agosto 28. Hinikayat niya ang mga mag-aaral na magkaroon ng oras sa pagbabasa ng mga aklat upang magkaroon ng mga bagong kaalaman. Na siya namang sinangayunan ng OIC/ Head Teacher Ma. Ruby A. Mendoza, kasama ang PTA President Jeorge Asuncion at ng mga guro ng paaralan.
Intramurals 2018
Isinagawa ng Sto. Angel National High School ang Intramurals 2018 noong Agosto 16. Ang mga pangkat ng mag-aaral ay nakapilang nagtungo sa covered court ng Sto. Angel Elementary School para sa maayos na paghahanda para sa programa. Ang unang bahagi ng Intrams ay ang pagsasayaw ng mga guro at mag-aaral ng Zumba na tumagal ng isang oras. Layon ng programang ito na maging aktibo ang lahat ng kalahok. Kitang kita ang kasiyahan nang lahat ng lumahok habang sila ay sumasabay sa Zumba video bilang gabay.
Matapos pawisan at mabigyan ng enerhiya ang mga mag-aaral at guro ay tumuloy na sa ikalawang bahagi ng programa. Bilang Guro ng Palatuntunan nagbigay ng ilang paalala si Ginoong Aldrine L. Dellosa para sa buong araw ng Intramurals. Ang lahat ay inanayayahang buong pusong umawit ng pambansang awit na pinamunuan ni Bb. Tyrine Lipset Capina. Taimtim na nanalangin ang lahat habang nakikisabay sa video presentation. Malugod namang inawit ng lahat ang Calabarzon March at Lungsod Naming Mahal.
Ang pambungad na Pananalita ay ibinahagi ng Officer in Charge ng SANHS na si Ginang Ma. Ruby A. Mendoza. Tinanong niya ang mga mag-aaral kung ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng taunang intramurals kun saan aktibo namang sumagot ang mga mag-aaral. Binigyang halaga ni G. Mendoza na ang kahalagahan ng intramurals ay upang magkaroon ng teamwork, sportsmanship at mabuting kalusugan sa pagsali sa isports.
Para sa pagsisimula ng mga palaro ay pinangunahan ni Rachel Tolentino mag-aaral ng Grade 10 Bonifacio ang panunumpa ng mga manlalaro. Si Aeron Belen naman ang naatasan sa pagpasok ng sulo kasama si Earl Calingasan na nagsindi ng sulo para sa palaro. Upang pormal na buksan ang palaro ay nagpainlang ng mga lobo ang piling mag-aaral. Ang mga kulay ng lobo ay berde para sa ika-pitong antas, Dilaw sa ika-walo, asul para sa ika-siyam at pula para sa ika-sampung antas. Si. Ginoong Norton Asacta ang siyang nagbukas ng palaro.
Para sa ikatlong bahagi ng programa ay nagpakitang gilas ang mga piling mag-aaral ng bawat antas para sa kanilang Pangkatang Ehersisyong Pagsayaw ng Wellness Dance. Kung saan ang nakakuha ng unang pwesto ang ika-walong baitang, pumangalawa ang ika -10 baitang, pangatlo ang pinakabatang ika-pitong baiting at pang apat naman ang ika-siyam na baitang. Ang nagwaging grupo ay kinakitaang ng kooperasyon, pagkakasabay sabay at maayos na eksekusyon ng sayaw. Sina G. Aldrine Dellosa, G.Angelo Santos at Gng. Annimarie Pili ang mga naging hurado ng paligsahan.
Let the games begin! Ito ang pang apat at pinakaabangang bahagi ng mga manlalaro at manunuod. Nagkaroon ng ibat- ibang paligsahan sa Taekwondo, Sepak Takraw, Athletics, Table Tennis at Badminton na binantayan ng mga guro ng bawat departamento. Nagkaroon din ng palaro ng lahi tulad ng sack race at tug-of-war kung saan ipinakita ng mga kalahok ang ibayong saya at pagkakaisa. Sa pagtatapos ng isinagawang 2018 Intramurals ng Sto. Angel National High School, tunay na naging masaya at naipakita ng mga mag-aaral ang team work at sportsmanship.
“Wag Maging Samlang!”
“Turuan nating ang ating mga anak na huwag maging samlang!” ito ang bilin ni Brgy. Chairman Cesarito Ticzon sa mga magulang na dumalo sa ginanap na General Parent Teacher Assembly ng Sto. Angel National High School. Ginanap ang naturang pagpupulong sa covered court ng Sto. Angel Elementary School noong ika-27 ng Hulyo mula ala una hanggang ika-apat ng hapon kung saan naging pangunahing bisita si Chairman Ticzon. Binigyan diin niya ang problema ng barangay tungkol sa basura kung kaya pinaalalahanan ang mga magulang na turuan ang bawat isa na maging malinis.
Tinalakay din ni Charirman Ticzon ang mga problema tulad ng mga binabasag na ilaw sa kalsada at hinikayat ang mga magulang na tulungan ang mga guro sa pagpapatupad ng disiplina. Binanggit din niya ang problema ng kabataan sa paglalaro sa computer shop. “Nasaan ang mga magulang? Nagdadrugs pa ba?” ang tanong niya. Pinaalalahanan niya ang mga magulang na huwag gawa ng gawa ng bata kung hindi naman ito mapapalaki ng ayos. Bago magpaalam ay ipinabatid niya sa lahat na siya ay mabait, ngunit kapag mali ang ginagawa ng mamayan, siya ang makakalaban.
Samantala, ito naman ang pagkakataon na maipakilala ang bagong itinalagang Officer in Charge, Head Teacher III ng Sto. Angel National High School na si Ginang Ruby A. Mendoza. Nagbigay si Gng. Mendoza ng mensahe sa mga magulang na bantayan at kamustahin ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Hinikayat niya ang mga magulang na makiisa sa mga gawain ng paaralan at maging aktibo sa mga proyekto ng PTA. Mataimtim naman nakinig ang mga magulang sa bagong punong guro.
Tinalakay naman ni Ginoong Aldrine L. Dellosa ang mga alituntunin ng paaralan, isa na dito ang DepEd Child Protection Policy, Anti Bullying Act of 2013. Pinaalalahanan din ang mga magulang alintuntunin ng paaralan sa pagsusuot ng uniporme, gupit, pag-aayos ng sarili, at regular na pagpasok ng kanilang anak. Binanggit din ni G. Dellosa ang seguridad at katahimikan, pangkalahatang gawi, at pagpasok at paglabas ng paaralan.
Sumunod naman tinalakay ay ang Financial Report ng bawat departamento at ibang pang mga samahan ng paaralan. Inilahad ito ng mga guro ang mga pinagkunan ng pondo, mga pinaggamitan nito at ang natitirang pondo. Ipinaalam din ng pangulo ng PTA na si Ginoong Jeorge Asuncion at mga miyembro ang kanilang Financial Report. Binaggit din niya na naaprubahan na ang pagpapagawa ng Covered Court ng SANHS, ang problema ay ang dadaanan ng mga materyales.
Sa huling bahagi ng pagpupulong ay nanumpa ang mga bagong halal na PTA officers sa pangunguna ni Gng. Mendoza. Sa kabuoan ay may 249 na bilang ng magulang ang dumalo sa naturang pagpupulong. Tunay na naging makabuluhan ang pagpupulong at ang bawat isa ay umuwi ng may ngiti sa kanilang labi.
Division Meet Cluster 1
Taekwondo Intramurals
Earthquake Drill
Nutrition Quizbee
Hydroponics
Flag Ceremony
Drug Awareness
Pamaskong Handog 2017