May Assurance tayo sa ating destinasyon, pero kumusta ang Insurance mo at ng mga mahal mo sa buhay rito? Ang pagsasabing "Bahala na si Lord" ay dapat samahan ng tamang paghahanda. Maging mabuting steward ng iyong resources at siguraduhing ang pamilya mo ay HandDANG-handa.
Bilang isang steward, mahalagang malaman kung magkano ba talaga ang kailangan ng iyong pamilya para makapagsimula muli sakaling dumanas ng aksidente, matinding sakit, o biglaang pagpanaw. Ang Seed Calculator ay isang simpleng tool na idinisenyo ko para sa mga tulad kong nasa full-time ministry. Para malaman mo kung may sapat na proteksyon ka at ang mga mahal sa buhay mo.
Malalaman mo ang eksaktong halaga ng iyong "seed" o Lifeline Fund.
Makikita mo kung paano i-maximize ang iyong modest allowance para sa mga future provisions.
Masasabi mo nang may kumpiyansa - HandDANG-handa na ako.
I-download ang FREE Seed Calculator
Isang Computer Engineering graduate na nasa broadcast media at isang Licensed Financial Advisor, pero higit sa lahat, I'm a follower of Jesus. Lahat ng ginagawa ko ay worship at paglilingkod sa Kanya—at kasama na rito ang misyon kong maging katuwang mo sa financial stewardship.
Bilang isang Financial Advisor for 2 years now at may mahigit 25 taon sa full-time ministry, relate at ramdam ko ang joys at challenges mo. Kaya ang prayer ko? Ang makitang ang bawat worker ay hindi lang "surviving," kundi tunay na "thriving" habang naglilingkod hanggang sa pagtanda.
Tapusin na natin ang "Bahala na si Lord" trap pagdating sa finances. Naniniwala ako na ang paghahanda para sa anumang season ng buhay ay isang act of faith. Sa SOLVE Financial, tutulungan kitang maging mabuting katiwala ng bawat "Seed" na ibinibigay Niya:
Strategize: Alamin ang iyong true "Seed Number" para sa proteksyon.
Optimize: Hanapin ang mga "hidden seeds" sa iyong budget kahit gaano pa ito kasakto.
Legacy: Bumuo ng pundasyong magsisilbing pagpapala sa iyong pamilya at ministry sa hinaharap.
Value: I-set ang goals na may pinakamataas na halaga sa iyong buhay at paglilingkod.
Enhance: I-maximize ang bawat resource para manatiling blessing hanggang huling season.
Naniniwala ako na kapag ang isang missionary ay HanDANG-handa, mas nagiging malaya siyang maglingkod nang may focus at kapayapaan.
Always a blessing, never a burden.
Ang maliit mong Seed ngayon ay magiging malaking Harvest bukas.
Libre, practical, at ginawa para sa mga tulad mong naglilingkod kay Lord.