Instructional Materials
Bilang paghahanda sa aking demo teaching na may temang Kwentong Bayan, gumawa ako ng iba't ibang Instructional Materials (IMs) upang maging mas kawili-wili at kapana-panabik ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa na rito ang puzzle activity na isinulat ko sa kartolina, na layuning mahasa ang critical thinking ng mga bata habang natututo tungkol sa mga elemento ng kwentong bayan.
Ginamit ko rin ang visual aids sa kartolina para sa mas malinaw na talakayan ng konsepto — tulad ng kahulugan, layunin, at uri ng kwentong bayan.
Ang mga gawaing ito ay hindi lamang naglalayong paigtingin ang kaalaman ng mga bata sa nilalaman, kundi para rin mahikayat silang aktibong makilahok sa talakayan. Ang paggamit ko ng malikhaing IMs ay naaayon sa prinsipyo ng constructivism, kung saan mas natututo ang bata kapag sila mismo ang aktibong lumalahok sa pagkatuto.
Nais ko ring matutunan ng mga mag-aaral na pahalagahan ang ating panitikan, lalo na ang mga sinaunang kuwentong bayan na nagpapakita ng ating kultura, paniniwala, at karunungan ng ating mga ninuno."