Nursing Department
A struggling nursing student trying to cope in a ruled adult life. She will try to pass each obstacle no matter what it takes even if her teacher, her mother's greatest example, will be a challenge.
School of Accountancy and Business
Isang anak na bitbit ang laksa-laksang sintemiyento bunga ng pagkasuklam sa kanya ng sariling niyang ama ang magtatangka para putulin ang isang tanikala. Ngunit kaakibat nito ay ang walang katiyakan na kasasadlakan ng kanyang nararamdaman.
School of Engineering, Architecture, and Information Technology
Dalawang nangungulilang magkapatid ang susubukin ng kahirapan at pagluluksa sa namayapa nilang kapatid. Mararanasan nila ang isang sitwasyon sa kanilang buhay na magiging dahilan ng huling pag alala.
School of Health and Natural Sciences
Ang pinakamagaling sa paligsahan ng laro ng lahi ay ang pinakamalaking balakid sa pagpapasaya ng kanyang kaklase . Ano kaya ang gagawin ng ating bida upang matalo ito , gayunpamang hindi ito marunong sa kahit na anong laro?
School of Teacher Education and Humanities
Lalakbayin ni Sitong ang dalawang lenteng naghahati sa katotohanan ng dalita sa mapaglaro nilang buhay. Sa kaniya, natatabunan ito ng maalikabok na kalsada at ng huwad na pagkakataon. Sa kaniyang ina, lihim itong nakatago sa madilim nilang barong-barong. Sa dulo ng lahat, sa isang bagay lamang sila nagtatagpo—pareho silang talo.