Ang African lovebird ay ang pangkaraniwang pangalan ng Agapornis (GREEK: "agape" pag-ibig at "ornis" 'ibon'), isang maliit na uri ng loro.

Nakuha ng African lovebird ang pangalan nito sa katangian nitong maging masalamuha, magiliw, at monogamo sa kanilang kapares na mapapansing kanilang laging katabi. Naninirahan ang mga ito sa maliliit na pangkat at kumakain ng mga bunga, gulay, damo, at mga butil ang mga African lovebird.