Ang ‘Sang Himig Choir o SHC ay grupong kilala bilang isang liturigical choir o koro na umaawit sa mga selebrasyon sa Simbahang Katoliko. Unang araw ng Hunyo taong 1988 nang itinatag ng ilang kalalakihan at magkakaibigang tinatawag na “KUMPARES” ang grupo. Ito ay pinangunahan nina Celso Buan, Edgardo Nicolas at Nelson Adrian Perey. Ang bawat direktor ay nagkaroon ng sariling komposisyon na awitin at karamihan dito ay mga awiting pangsimbahan o patungkol sa Diyos na lumikha, at ilang tradisyunal na awitin na linapatan ng ibang areglo. Matapos ang tatlong buwan ng taong iyon, nakapagdagdag ang grupo ng ilan pang kalalakihan na sina Melchor Flores, Zaldy Landicho, Nicholas Maligaya, Alfredo Calabia, Felipe Dimaranan, Renato Santos, Rolando Santos, Pampilo Magura at Miguelino Crucillo. Nagkaroon din ang grupo ng dalawang tagapagpayo na sina Adel Crucillo at Gloria Danao.
Taong 1989, napag-usapan ng pamunuan na magdagdag muli ng miyembro at sa panahong iyon ay binigyang paanyaya ng grupo ang mga kababaihan na sumali at maglingkod. Karamihan sa mga naging miyembro ng ‘Sang Himig ay anak at apo ng mga direktor at ng mga naunang naging miyembro nito. Maging ang mga kamag-anak at kaibigan ay naimbitahan na rin sumali sa grupo. Kalaunan ay dumami at nadagdagan ang mga miyembro at nagkaroon ng 4 na seksyon na ang tawag ay Soprano, Alto, Tenor, at Bass.
Taong 1998, sa ilang kadahilanan, ipinagkatiwala nina Buan, Nicolas, at Perey and 'Sang Himig Choir sa pangangalaga ni Generoso Tejero, isa ring mahusay na musikero at maestro ng musiko (marching band). Bagamat nag-iisang naghahawak sa koro ay naging matatag pa rin ang grupo dahil na rin nga sa husay at pagmamahal na ibinuhos ni Tejero sa koro. Taong __________, nang pumanaw si Tejero, humalili sina Herman Manlusoc at Marlon Garcia, parehas na galing sa bass, upang patuloy pa rin ang paglilingkod ng koro sa simbahan. Sa panahong ito naman, si Felizardo Aure ang tumayong tagapagpayo.
Bukod sa pagkanta sa misa tuwing linggo, ang ’Sang Himig Choir ay nabigyan din ng pagkakataong kumanta sa kasal, libing, at sa ilang mga hotel sa Tagaytay City upang makapaghandog ng mga awiting pamasko. Naging aktibo rin ang grupo sa pagtulong sa mga nangangailangan. Nagsagawa ang grupo ng Outreach Programs (2005-2009) at bumisita sa ilang orphanage sa Cavite upang magdonate ng ilang pangangailangan at makapagbigay saya. Tumulong at naging volunteer ang grupo sa pamimigay ng relief goods sa mga pamilyang apektado ng Taal Volcano Eruption (2020).
Celso Buan
Edgardo Nicolas
Nelson Adrian Perey
Generoso Tejero
Mike Crucillo
Gloria Danao
Adel Crucillo
Felizardo Aure
Herman Manlusoc
Marlon Garcia
Jayvee Salgado
Lloyd Nicolas
Celso Buan
Edgardo Nicolas
Nelson Adrian Perey
Generoso Tejero
Rolando Santos
Wini Tarang
Delfin Gallarde
Deejay Esguerra
Jeffrey Carreon
'Sang Himig Choir's rehearsal with Generoso Tejero
SHC 2001 with Generoso Tejero as director and Herman as instrumentalist
SHC with Herman and Marlon taking over
Soprano 2003
Alto 2003
Tenor 2003
Bass 2003