Sa pula, Sa puti
UNANG EKSENA
(Nag-uusap ang dalawang mag-asawa)
-SIMULA NG ISTORYA-
IKALAWANG EKSANA
(Isang umaaga, sa tahanan ng mag-asawang Kulas at Celing)
Kulas: ehem…,kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sa pagkindat ng mata mo sa umaga, wala ka ng inisip na iba kundi kamustahin at himasin ang iyong manok. Tila mas mahal mo pa ang manok mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing! Wala na kong mas mahal pa sa buhay na ito kundi ang aking asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinaling manok, minsa’y ibig kong mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga manok ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya!Gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y natalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutunang mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema?
Kulas: lyon ay disgrasya lamang. Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: Ehh, ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatuwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol... Hinahabol ako ng pilak!!ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa! nakabaon lang. Kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas. Hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay sa a-otso ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Malinip si Kulas).
Sige na, Celing Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na sige na. May katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-Iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O Buweno. Kung sa bagay, magtatago lamang ako ng pera. O, heto! Huwag mo sana akong sisihin kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas: (Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing. ito'y kuwarta na siguradong-sigurado. Ohh Buweno!! diyan ka muna.
(Nagmamadaling lalabas si Kulas, ngunit nasalubong niya si Sioning sa may pintuan.)
IKATLONG EKSENA
( Dumating si Sioning na kumare ni Celing sa kanilang bahay.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas: (Nagmamadali)
Kumusta...e...eh... Sioning didispensahin mo muna ako. Ako ay nagmamadali. Eh...este...nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buweno-diyan ka na.(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning! Mas masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang...
Celing: Sandali lang Sioning ha.
(Sisigaw sa gawing kusina)
Teban!Teban! Teban!!
Teban: (Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing: (Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Teban).
Ohh heto, teban limang piso.Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Dali, ipusta mo ito,bilisan mo at baka mahuli.
Teban: (Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso. Ano ba ito, Celing? ikaw ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Ano ka ba Sioning.Hindi ako sabungera,ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: Ahh... hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning.Ako'y pumupusta sa sabong upang hindi kami matalo.
Sioning: Ahh…pumupusta ka sa sabong upang hindi kayo matalo? Celing pinaglalaruan mo yata ako!
Celing: Hindi. Alam mong marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit ko siyang pigilan. Ngunit madalas kaming magtampuhan. Upang hindi kami magkatampuhan at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinapapusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok ng kalaban.
Sioning: (May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta, Sioning. Ahh siya nga. Siya nga pala.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Pumili ka ba naman ng bahay sa tapat ng sabungan pa!
Celing: Sino bang nagsabi na ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
IKAAPAT NA EKSENA
(Magsisimula na ang sabong, punang puno ang sabungan ng mga tao.)
(Insert scenes ng round girls, announcer, crowd, sabong proper.)
IKALIMANG EKSENA
Sa bahay nina Celing
Sioning: (Lalong lalakas ang sigawan),
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo’y maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.
(Dudungaw)
Ohh, heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban: (Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing! nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: Ohh, Buweno.Lumakad na tayo, Celing.
Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila.(Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas. Tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas: (Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, ito'y disgrasya lamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte.
Celing: lyan ang hirap sa sugal, Kulas. Walang pinaghahawakan kundi suwerte.
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong. Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo Celing. Pinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kahit kailan.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
IKALIMANG EKSENA
(Muling mag-uusap ang dalawang mag-asawa.)

IKANIM NA EKSENA
Castor: Hoy, Kulas! Kumusta?
Kulas: Ay, Castor… lagi akong natatalo. Talagang malas ako sa sabong. Noong huli, lumundag agad ang manok ko, nakipagsagupaan, at tila nananalo. Pero alam mo ba kung saan lumagpak?
Castor: Saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban! Ayoko na talagang magsabong!
Castor: Huwag kang tumigil! Baka sa susunod, makabawi ka.
Kulas: Hindi, Castor. Sugal lang ‘yan, at masama ang suwerte ko.
Castor: Mali ka. Laging may paraan. Ako? Hindi natatalo dahil pumupusta ako sa kalaban.
Kulas: Eh kung manalo ang manok mo?
Castor: Hindi puwedeng manalo—may sikreto ako! (Ipinakita kung paano pilayin ang manok gamit ang karayom.)
Kulas: Pandaraya ito!
Castor: Hindi daya, kundi pagganti sa mga nandaya sa iyo.
(Kinasabikan ni Kulas ang ideya at humingi ng pera kay Celing para ipusta.)
Ikapitong na eksena
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas habang hinihimas ang kanyang tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? Akala ko ba’y isinumpa mo na ang sabungan?
Kulas: Celing, ngayon na lang! Makababawi tayo.
Celing: Naku, Kulas, parang presyo ng asukal—oras-oras nagbabago!
Kulas: Pangako, ito na ang huli! Pag natalo pa ako, patayin mo lahat ng tinali ko.
Celing: Sigurado ka?
Sioning: Ako ang testigo, Celing!
Celing: O sige, magkano?
Kulas: Dalawampung piso lamang.
Celing & Sioning: Dalawampung piso?!
Kulas: Oo, Celing. Para makabawi tayo.
(Mag-aatubili si Celing bago ibibigay ang pera.)
Kulas: Salamat, Celing! Hindi ka magsisisi! (Mabilis na lalabas.)
Celing: Teban! Dalhin mo itong dalawampung piso at ipusta sa kalaban!
Teban: Todo ba, Aling Celing?
Sioning: Oo, todo! Bilisan mo! (Lalabas si Teban.)
Celing: Bakit mo pa inayunan si Kulas?
Sioning: Wala naman kayong talo.
Celing: Hindi lang pera ang inaalala ko—kabilang na ang masamang bunga ng bisyo.
Sioning: Nangako naman siya.
Celing: Isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalakas ang sigawan, tapos ay huhupa.)
Sioning: Tapos na ang sultada. Sino kaya nanalo?
Celing: Malalaman natin kay Teban.
IKAWALONG EKSENA
(Pagkatapos ng laban, pumasok si Teban.)
Teban: Aling Celing… natalo po tayo.
Celing: Hindi bale, nanalo naman si Kulas.
Kulas: Hindi! Natalo ako!
Celing: Kulas, huwag mo akong lokohin. Alam kong nanalo ka. Isauli mo ang dalawampung piso!
Kulas: Wala akong pera! Si Teban ang pumusta para sa iyo!
Celing: Teban, saan ang pera?
Teban: Natalo po…
Celing: Sinungaling! Pumusta ka sa kalaban, kaya dapat nanalo ka!
(Nagkaguluhan sila at nalaman nilang pareho silang pumusta sa kalaban.)
Kulas: Aba! Ako pala’y kinakalaban mo rin!
Celing: Para kahit matalo ka o manalo, hindi tayo mawawalan.
Kulas: Sayang ang pag-aalaga ko sa manok!
(Napagtanto ni Kulas na kahit anong gawin niya, talo pa rin siya.)
Celing: Mabuti na rin! Ngayong tapos ka na sa sabong, maghanda tayo! Aadobohin ko ang tatlo sa mga tinali mo, at ang tatlo ay sasabawan!
(Natawa sina Celing at Sioning. Si Kulas, sa umpisa’y nagulat, ngunit kalaunan ay natawa rin—na tanda ng kanyang tuluyang pagtalikod sa sabong.)
WAKAS.