Basta rehistrado ka, tsek sa serbisyong pang-agrikultura!
INFO HUB
Ngayong Sabado, Agosto 23, 2025, bumisita si Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Lalawigan ng Camarines Sur upang maghatid ng iba’t ibang uri ng agriculture interventions at magsagawa ng Ugnayan sa mga magsasaka. Sa nasabing pagtitipon, si Secretary Kiko mismo ang tumugon sa mga katanungan ng ating mga Ka-RSBSA, kasama sina Governor Lray Villafuerte at Department of Agriculture Bicol Regional Executive Director Rodel P. Tornilla.
Kabilang sa mga ipinagkaloob na interbensyon ang RFFA distribution, kung saan mahigit 751 magsasakang Ka-RSBSA mula sa ikatlong distrito ng Camarines Sur ang nakatanggap ng ayuda.
Ni Ian S. Undecimo | August 23, 2025
Ngayong Agosto 27, 2025, ay ginanap ang Agri Credit Ugnayan: “Credit Program Orientation-Matching” sa Kaplfuerte Sports Complex, na pinangunahan ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) kasama ang Department of Agriculture at iba pang kaugnay na ahensya.
Layunin ng programa na pagsama-samahin ang mga ahensya ng pamahalaan at financial institutions upang higit na mapalakas ang sektor ng agrikultura at pangingisda. Kabilang dito ang RSBSA Region 5, na nagbigay-tulong sa registration at tumugon sa mga alalahanin ng ating mga Ka-RSBSA.
Ang ganitong kaganapan ay nagsisilbing tulay upang maikonekta ang ating mga magsasaka at mangingisda sa tamang suporta mula credit access at insurance protection hanggang market linkages at business opportunities para sa isang mas matatag at maunlad na kinabukasan.
Ni Ian S. Undecimo | August 27, 2025
Ngayong araw September 10, 2025 ay ginanap ang Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa covered court ng Department of Agriculture Regional Field Office V. Dito ay nakatanggap ng pinansyal na ayuda ang ating mga Ka-RSBSA mula sa lalawigan ng Camarines Sur, kung saan mahigit 781 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong.
Layon ng programang ito na maibsan ang gastusin ng mga magsasaka at matulungan silang maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan sa kabila ng mga hamon sa sektor ng agrikultura. Sa pamamagitan ng RFFA, naipapakita ang patuloy na malasakit at suporta ng pamahalaan sa ating mga magsasaka bilang katuwang sa pagpapalago ng produksyon ng bigas at pagpapanatili ng seguridad sa pagkain.
Present din sa nasabing aktibidad ang RSBSA Info Hub upang magbigay ng tulong sa registration ng ating mga Ka-RSBSA at sumagot sa iba’t ibang katanungan patungkol sa RSBSA program. Sa ganitong paraan, mas napapalapit sa ating mga magsasaka ang mga kinakailangang serbisyo at impormasyon
Ni Ian S. Undecimo | September 10, 2025
Ngayong araw, September 13, 2025, ay ginanap ang Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat sa Fuerte Sports Complex, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Sa nasabing kaganapan, iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Agriculture, ang naghatid ng iba’t ibang uri ng tulong at serbisyo para sa mga mamamayan. Isa na rito ang RFFA distribution kung saan mahigit 1,002 Ka-RSBSA ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda.
Ang mga ganitong kaganapan ay naglalayong mas mapalapit ang ating mga kababayan sa mga serbisyong inihahatid ng pamahalaan upang mas mapabuti at mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Bukod sa pagbibigay ng agarang tulong, nagsisilbi rin itong pagkakataon upang marinig ang mga hinaing, pangangailangan, at suhestiyon ng mga magsasaka at iba pang sektor sa komunidad. Sa pamamagitan nito, naipapakita ng pamahalaan ang tunay na malasakit at pagnanais na maitaguyod ang kapakanan ng bawat Pilipino, lalo na ang mga nasa kanayunan.
Ni Ian S. Undecimo | September 13, 2025
The Department of Agriculture – Regional Field Office 5 conducted a full-scale earthquake drill last November 6, 2025, in coordination with the Bureau of Fire Protection (BFP). The activity aimed to enhance disaster awareness and preparedness among DA employees through a realistic simulation of an earthquake scenario.
The RSBSA Team actively participated, promptly following the SOS: Duck, Cover, and Hold protocol and safely evacuating the premises through designated routes. They also secured essential documents, laptops, and key records to ensure that operations remain functional even during emergencies.
This drill underscores DA-RFO 5’s commitment to maintaining safety, readiness, and continuous service for our Bikolano farmers.
Ni Ian S. Undecimo | November 6, 2025
Last October 8–10, 2025, the RSBSA Bicol successfully conducted a comprehensive RSBSA App LGU Training at the UAV Hall, RCMC Building, Department of Agriculture Regional Office 5 in Pili, Camarines Sur. The three-day activity brought together various Local Government Units (LGUs) from different provinces across Region 5, strengthening collaboration and building a more unified approach in implementing the Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
This initiative underscores RSBSA Bicol’s commitment to empowering our partners on the ground. By enhancing the technical skills and familiarization of LGU representatives with the RSBSA application, the training aims to boost efficiency, accuracy, and responsiveness in farmer profiling and data management. More importantly, it reinforces the vital partnership between LGUs and the RSBSA team, fostering a dynamic and well-coordinated system that ensures fast, reliable, and farmer-centered service.
Through continuous capacity building and teamwork, the RSBSA Bicol remains steadfast in its mission to uplift and support our beloved farmers—recognizing that every improved process is a step toward a more inclusive and resilient agricultural sector.
Ni Ian S. Undecimo | November 7, 2025
RSBSA Bicol Info-Hub An Information and Education Initiative
RSBSA-RPMO Bicol: Animated Comics
ADDRESS
Department of Agriculture-Bicol
San Agustin Pili, Camarines Sur
Email:rsbsabicol@gmail.com
Basta rehistrado ka, tsek sa serbisyong pang-agrikultura!