Q: Kailan ako magkakaroon ng lubos na proteksyon laban sa COVID-19 matapos magpabakuna?
A: OPTIMAL NA PROTEKSYON:
✓ Sa loob ng 2 linggo mula sa 1st dose ng bakuna: Ang iyong katawan ay magsisimula nang gumawa ng depensa laban sa COVID-19
✓ Pagkatapos ng dalawang linggo mula sa 2nd dose: Buong bisa at proteksyon ng bakuna laban sa malubhang COVID-19
Video here
MGA DAPAT TANDAAN SA BAKUNA:
Ang lahat po ng mga makakapag-register sa link na ito ay hindi pa po kaagad mababakunahan.
Lahat ng nakapag-register na po ay may matatanggap kayong text o tawag mula sa kawani ng DOH at RHU San Isidro upang kumpirmahin ang magiging schedule ng inyong bakuna.
Kung kayo po ay makatanggap ng mensahe o tawag ay kung maaari po ay mag-kumpirma po kayo agad upang mai-talaga na sa inyo ang bakuna. At kung sakali naman po na ayaw nyo magpabakuna kami po ay hahanap ulit ng tao na gusto makatanggap ng bakuna.
Ito po ay nangyayari sa kadahilanang LIMITADO lamang ang supply ng ating bakuna na nadadala sa ating bayan. Hindi po lahat ay kayang i-accomodate ng ating supply.
Kung kayo po ay hindi nakapag-parehistro sa online link ay hindi po kayo maisasama sa lista. Ang aming tanggapan ay hindi na rin po tumatanggap ng mga papel na may lista ng pangalan ng mga nais magparehistro para sa pag-iingat ng pagkalat ng COVID-19 Virus.
Maraming salamat po sa pag-unawa.
If you wish to be vaccinated with Covid-19 vaccine, click HERE.