ENGLISH VERSION
Having been brought by divine grace to believe in the Lord Jesus Christ for the forgiveness of our sins, and having been baptized upon our profession of faith, in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, we do now, solemnly and joyfully, affirm our covenant with one another. Relying on the enabling of the Holy Spirit, in obedience to the command of God, we willingly consent to walk together as a church, according to the appointment of Christ.
We will work and pray for the unity of the Spirit in the bond of peace. We will exercise an affectionate care and watchfulness over each other; faithfully admonishing and entreating one another in brotherly love as occasion may require. We will rejoice at each other’s happiness and endeavor with tenderness and sympathy to bear each other’s burdens and sorrows.
We will, therefore, not forsake the assembling of ourselves together, nor neglect to pray for ourselves and others. We will work together for the continuance of the ministry of this church, and the promotion of its worship, ordinances, discipline and doctrines. As good stewards of God’s varied grace, we will minister our gifts to one another, serving by the strength God supplies. As the Lord may prosper us, we will contribute cheerfully and regularly to the support of the ministry, the expenses of the church, the relief of the poor, and the spread of the gospel through all nations.
We engage to do all these things, seeing that they are prescribed by God in His Word, and required of all believers in the world. If ever, therefore, that we move from this place, we will as soon as possible, unite with some other church, where we can carry out the spirit of this covenant and the principles of God’s Word. May the grace of the Lord Jesus Christ, and the love of God, and the fellowship of the Holy Spirit be with us all.
Amen.
TAGALOG VERSION
Tipan ng mga Miyembro
Yamang pinagkaloob sa amin ng Diyos na manampalataya sa Panginoong Hesukristo
para sa kapatawaran ng aming mga kasalanan, at yaman ding kami ay binautismuhan
nang maipahayag na namin ang pananampalatayang ito, sa pangalan ng Ama, at ng
Anak, at ng Banal na Espiritu, kami ngayon ay mataimtim at may kagalakang nagpapatibay ng aming Tipan sa isa't isa. Sa tulong ng Banal na Espiritu, upang sundin ang utos ng Diyos, kusang loob kaming sumasang-ayon na lumakad nang magkakasama bilang isang iglesia, gaya ng itinakda ni Kristo.
Kami ay kikilos at mananalangin para sa pagkakaisa ng Espiritu sa buklod ng
kapayapaan. Ipadarama namin sa isa’t isa ang aming pagmamalasakit at pag-iingat;
matiyaga kaming magpapaalalahanan, at kung kinakailangan ay mamamanhik nang may
pagmamahalan bilang magkakapatid. Makikigalak kami sa mga nagagalak, at magtutulungang buhatin ang mga pasanin at kalungkutan ng bawat isa, na may pagdamay at pagsinta.
Kaugnay nito, hindi namin tatalikuran ang pagtitipon ng iglesia, ni kaliligtaang manalangin para sa aming sarili at sa aming kapwa. Magtutulungan kami para sa pagpapatuloy ng ministeryo ng iglesiang ito, at sa pagtataguyod ng pagsamba, mga ordinansiya, disiplina at mga doktrina nito. Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang biyaya ng Diyos, gagamitin namin ang aming mga kaloob para sa isa't isa, at maglilingkod gamit ang kalakasang nagmumula sa Diyos. Habang pinasasagana kami ng Panginoon, kami ay mag-aambag nang masaya at palagian bilang pakikibahagi namin sa ministeryo, sa mga gastusin ng iglesia, sa pagtulong sa mga nangangailangan, at sapagpapalaganap ng ebanghelyo sa buong mundo.
Sisikapin naming gawin ang lahat ng mga bagay na ito, na nakikita nga naming ipinag-
utos ng Diyos sa Banal na Kasulatan, at Kanyang hinihingi sa lahat ng mananampalataya
habang sila ay nabubuhay sa sanlibutan. Kaya’t kung mangyari man na kami ay lilipat sa
ibang lugar, agaran din kaming hahanap ng isang iglesia roon, kung saan maipapagpatuloy namin ang diwa ng Tipan na ito at ang mga alituntunin ng Salita ng Diyos.
Ang biyaya ng Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikisama ng
Espiritu Santo ay sumaatin nawang lahat. Amen.