Kabataang maalam 🧠
at mayroong pakikialam 🗣️💭
at mayroong pakikialam 🗣️💭
Ang QuezONE Youth Nexus ay nagsisilbing makabagong portal para sa kabataang mamamayan ng Lungsod ng Quezon, pinapatakbo at isinulong ng Sangguniang Kabataan Federation. Sa pamamagitan nito, tinutugunan hindi lamang ang mga pangangailangan ng kabataan kundi pati na rin ng buong komunidad. Nilalayon nitong maging gabay sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman tungkol sa mga karapatan at tungkulin ng bawat mamamayan, pagpapabatid ng mga mahahalagang balita at kaganapan mula sa Sangguniang Kabataan, at pagbibigay-linaw sa mga programa at adbokasiyang naglalayong pagyamanin ang sektor ng kabataan. Ito ay isang plataporma na nagpapalakas ng ugnayan, impormasyon, at partisipasyon ng bawat isa sa layuning mapabuti ang bayan at mapagtibay ang hinaharap ng susunod na henerasyon.