SPES PRE-REGISTRATION FORM
SPES PRE-REGISTRATION FORM
Ang Special Program for Employment of Students (SPES) ay isang programa para sa kabataan ng Department of Labor and Employment (DOLE), na pinopondohan at isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon Province sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Service Office (PESO). Layunin nitong matulungan ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante at out-of-school youth (OSY) na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansamantalang trabaho.
Sa programang ito, ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay nabibigyan ng pagkakataong kumita upang makatulong sa kanilang gastusin sa pag-aaral habang nagkakaroon din ng kaugnay na karanasan sa pagtatrabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Mga Kwalipikasyon:
15–30 taong gulang
Kasalukuyang nag-aaral o Out of School Youth (OSY) na planong magpatuloy ng pag-aaral
Mula sa pamilyang may mababang kita (nasa poverty threshold)
May passing na General Weighted Average (GWA) (pinakahuling termino)
Residente ng Quezon Province na hindi bababa sa 6 na buwan
Mga Prayoridad na Sektor:
Mga anak ng driver (jeepney o tricycle driver)
Mga anak ng repatriated Overseas Filipino Workers (OFW)
Mga anak ng Solo Parents
Mga anak ng Senior Citizens o Person With Disabilities (PWD)