Bulletin
PABATID
July 4, 2022
Paksa: Iskedyul ng Imbentaryo ng CSOs at Listahan ng mga CSOs sa Puerto Princesa City
Ipinapabatid sa lahat ng Civil Society Organizations (CSOs) na ang CSO Desk ay magsasagawa ng imbentaryo ng mga CSOs sa lungsod mula Hulyo 4-15, 2022. Layunin ng nasabing gawain na i-update ang listahan ng mga kasalukuyang CSOs na nasa lungsod na siya namang magiging basehan ng CSO Desk Officer para sa pagpapalabas ng Notice of Call for Accreditation.
Kaugnay nito, hinihikayat ang mga CSOs na kumpirmahin ang pangalan ng inyong organisasyon na nasa listahan at i-update ang inyong organizational profile.
Makipag-ugnayan lamang sa CSO Desk Officer na nasa opisina ng City Planning and Development Coordinator sa 2nd Floor, New City Hall Building, Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City mula 8AM- 5PM o kontakin si Ms. Vanny Joyce Baluyut sa 717-8037/ ppc.csodesk@gmail.com.
ACCREDITATION OF CIVIL SOCIETY ORGANIZATIONS AND SELECTION OF REPRESENTATIVES TO THE LOCAL SPECIAL BODIES
ONLINE FORM: CSO ORGANIZATIONAL PROFILE