Martsa San Isidro


San Isidro, bayang mahal, ibandila yaring ganda 

ng nasilayan ng lahat, humahanga na balana

 Mapalad ka, San Isidro, sa biyayang napapala

 Ito'y bigay ng Poong Diyos, ang sa atin ay lumikha 


San Isidrong mahal, bayan naming sinilangan

Nagagalak kaming lahat, lubos na gumagalang 

Sa pag-ibig naghahari, sa aming mamamayan

Itoy isang halimbawa, mahal nating kabataan


Lahat kayo, kapatid ko, atin itong isaisip

 San Isidro ay lingapin, itoy ating iniibig

 Ikarangal at purihin, ng walang bahid dungis

 Sa diwa at sa puso man, dapat ito'y di mawaglit


Katulad ka ng brilyanteng ang dulot ay sakdal saya 

Katulad ka ng kundimang nagbibigay ng pag-asa

 umusbong ang pagsinta, bumubuhay, sumisigla 

Pumipintig ang pag-ibig, sa puso at kaluluwa


Dalamhati, San Isidro, kung ikaw ay mapalungi

 Upang ikaw ay magdusa sa dibdib ng pighati 

itatanim sa puso, sa amin mang mga budhi 

Ipagtanggol ka, mutyang bayan, sa sukab at mga imbi


Ihahain, inang bayan, ang lahat ng aming lakas

 Ang matapat na kalinga, at lubos, tunay na wagas

 Pag-ibig na di maparam, itoly hindi kumukupas 

Ningas ka ng aming dibdib, sa puso, hanggang wakas


Kaming iyong mga anak, sa iyo ay nangangako 

Lubos naming ihahandog, yaring abang pagkatao 

Ang katawan at puso man, ay masayang iaalay 

sukdulang mang mabuwis ito, at mawala yaring buhay


Lupaing tinubuan, pugad ka ng makabanasa

 Humihingi ng kandili, pagbabasbas ng Diyos Ama 

Sana ay maawa Siya, at igawad yaring nasa 

Sa bayang kong San Isidro, mahal kita, mabuhay ka