Panginoon, aking tanglaw

Tanging Ikaw ang kaligtasan

Sa panganib ingatan ako

Ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo

Ang tawag ko'y 'Yong pakinggan

Lingapin Mo at kahabagan

Anyaya Mo'y lumapit sa 'Yo

Huwag magkubli, huwag kang magtago

Sa bawat sulok ng mundo

Ang lingkod Mong hahanap sa 'Yo

Ang tawag ko'y 'Yong pakinggan

Lingapin Mo at kahabagan

Panginoon, aking tanglaw

Tanging Ikaw ang kaligtasan

Sa masama ilayo Mo ako

Ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo.




Panginoon Aking Tanglaw Pdf