Para sa matagumpay na pagpabunga ng Mangga ekonsidera ang mga sumusonod na hakbang;
Alamin kung pwede ng Pabungahin ang iyong Mangga
Bumili ng Gamit pang Spray at Tamang Inducer
Gumawa ng tamang skedyul kung kailan mag Induce
kailangan ng hindi baba anim na buwan(6) hangang walong buwan(8) ang gulang ng Dahon at sanga mula na ito ay mag flushing(tumubo ang bagong dahon at sanga) para ito ay maging handa ng mamulaklak. Kung di mo natandaan kunng kailan ito nag flushing kumoha ng dahon subokan mong baliin pag marinig mo ang tunog na craking parang tunog ng sitsaron pwede na itong e induce. Panoorin ang Video sa ibaba "Sekreto Paano Mapabunga ang Mangga".
kailangan natin ng power spray or manual na pang spray tulad ng sumpit. Panoorin ang video sa ibaba "Basic Equipment sa Pagmamangga".
Bumili ng Calcium nitrate or Potassium nitrare. Maari ring bumili ng foliar fertilizer na mataas sa potassium content tulad N-P-K ratio na 4-0-48. Kung Calcium nitrate ang gagamitin sa isang balde ng tubig maghalo ng 300 gms or 5-6 kilos sa 200 liters na Drum. Kung ang mangga mo ay maliit lang o isang puno lang inirekomenda ko na foliar fertilizer na inducer kilala dito ay Grow More na brand. Maghalo lang ng 100g sa isang balde ng tubig iyon na pang spray.
Kailangang planohin kung kailan umpisahang mag spray isaalaalang ang panahon. Mas maganda ang resulta kung wala tayong ulan na darating sa loob ng isang araw matapos na mag spray. Iwasan din natin ang mga buwan na tag-ulan (July-August) dahil di maganda ang resulta sa ganitong panahon.
tamang panahon sa pag-Induce
Mga gamit sa Pag-spray
Inducer
Mango bagging-Good Agricultural Practices