Saan Patungo si Risa Sato: Mga Posibilidad Para sa PVL Veteran

Isinulat ni: Hope Iya

Kategorya: Isports

Inilimbag: Nobyembre 09 2024

Matapos ang maraming taon ng pagsisilbi at pagtatagumpay kasama ang Creamline Cool Smashers, opisyal nang maghihiwalay ng landas si Risa Sato at ang kanyang koponan. Para sa mga tagasuporta, isang malaking pagbabago ito dahil si Sato ay hindi lamang kilala sa kanyang galing sa court kundi pati sa kanyang masayahing personalidad. Subalit, hindi dito nagtatapos ang kwento ni Sato, sa halip, isang panibagong yugto ang naghihintay sa kanyang  career.