Isinusulat sa dalawa hanggang tatlong linya lamang at naglalaman ng adres ng nagpadala o sumulat ng liham. Sa huling linya ng bahaging ito inilalagay ang petsa, para sa kontak ng telepono, numero ng fax, adres ng e-mail, o iba pang kahalintulad na impormasyon.
(Hindi na kailangan ilagay ang pamuhatan kung ang ginagamit na papel ay ang tinatawag na stationery na may nakasulat ng pamuhatan at/o pangalan ng kumpanya. Ngunit kailangan lagyan pa rin ng petsa ang liham pangnegosyo.)