Ukol sa Mga Tauhan
Ukol sa Mga Tauhan
Isang dalaga na ang pangarap lang naman ay magmahal at makasama ang kanyang iniirog panghabang-buhay. Pangarap na kay simple ngunit siya pa ring ipinagkait sa kanya ng tadhana.
Siya ay pamangkin ni Donya Victorina, dating kasintahan ni Isagani na siyang ikinasal Kay Juanito Pelaez.
Isang binata na matapang na nilabanan ang estado para sa ikauunlad ng Pilipinas. Handa siyang gawin ang lahat tungo sa pagbabagong kanyang inaasam kahit pa na mawalay sa kanya ang lahat, kahit ang kanyang sintang si Paulita.
Siya ang iniirog ni Paulita.
Gwapo. Matipuno. Kastila. Ngunit kahit ano man ang gawin niya, pangalan niya man ay nakatali kay Paulita, ngunit puso ng asawa ay hinding-hindi niya makakamtam.
Lahat na ata ng katangian nasa kanya, pati mga masasamang katangian sa kanya na rin napunta.
Siya ang asawa ni Paulita at anak ni Don Timoteo Pelaez.
Isang orihinal na karakter na binuo ng aming pangkat para sa pagpapahayag ng kwento ng dalagang si Paulita, na nagsilbing kaibigan nito sa kwento,
Ang tiya ni Paulita na nagsilbi na ring magulang ni Paulita nang siya ay maulila sa kanyang mga magulang. May pagkamatapbre, ngunit kahit ganun ay lubos pa rin siyang pinapahalagahan ni Paulita kahit na marami silang mga bagay na hindi sinasang-ayunan.
Ang ama ni Juanito Pelaez at matalik na kaibigan ni Donya Victorina.