Madre, Doktor ng Santa Iglesiya
Araw ng Kapistahan: Oktubre 1
Patron ng mga misyon; ng mga maysakit sa baga
O Saint Thérèse ng Lisieux, sa kaloob ng maikling buhay mo sa mundo ay naging salamin ka ng makaanghel na kalinisan, ng pag-ibig na sinlakas ng kamatayan at ng buong pusong pagtatalaga sa Diyos, nagtatamasa ka ngayon ng iyong kalinisang-budhi, masdan mo ako ng buong paglingap yamang tinatagubilin ko ang lahat ng bagay sa iyong mga kamay.
O Saint Thérèse ng Lisieux, gawin mong ang aking mga ligalig ay maging iyo na rin. Idulog mo ang aking panalangin sa ating Inang Birhen, na sa iyo'y nakalaan ang bulaklak ng pag-ibig na hinango sa Reyna ng Langit na ngumiti sa iyo sa bukang-liwayway ng buhay.
Ilapit mo ako sa Mahal na Birhen, bilang Reyna ng Puso ni Jesus at hilinging ipagkaloob mo ang bendisyon na maaaring magpalakas sa akin habang ako'y nabubuhay. Ipagtanggol mo rin ako laban sa mga tukso sa oras ng kamatayan, at ituro mo sa akin ang landas patungo sa walang hanggang kaligayahan.
Amen.
Saint Thérèse ng Lisieux, ikaw na puno ng simpleng pag-ibig at pagkamaasahin, kami ay lumalapit sa iyo nang may buong tiwala at pananampalataya. Nawa'y ipagkaloob mo sa amin ang iyong mga gabay at ang iyong mga panalangin, upang kami ay magpatuloy sa landas ng kabanalan at maglingkod sa Diyos ng may pusong tapat.
Tulungan mo kami na yakapin ang maliliit na bagay sa buhay nang may dakilang pagmamahal at kasiyahan, at matutuhan namin na maging maligaya sa pagtanggap ng mga hamon at sakripisyo sa araw-araw. Nawa'y magsilbing halimbawa kami ng iyong simpleng kabutihan at dakilang pananampalataya.
Saint Thérèse ng Lisieux, ipagdasal mo kami, at isama kami sa iyong mga panalangin sa harap ng Diyos.
Amen.
Kung nais ninyong magbahagi ng inyong mga pansariling intensyon at mga kahilingan ay maari ninyong ipadala sa aming email address:
mabuhaysapagibig@gmail.com
Sana'y turuan mo kaming mahalin si Jesus tulad ng pagmamahal mo sa Kanya...