ALAM MO BA? INACTIVE NA BULKAN ANG BUNDOK NG LOBO!
๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ: ๐ก๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป
Hinihikayat ang lahat na basahin ito nang may pag-unawa upang maiwasan ang anumang kalituhan o negatibong reaksyon. Ang layunin ng impormasyong ito ay magbigay-kaalaman sa publiko, at hindi upang manakot o magpalaganap ng maling balita.
Ang Mt. Lobo sa Batangas ay inuri ng PHIVOLCS bilang isang eroded, inactive volcano na nabuo pa noong Late Cenozoic age. Ibig sabihin, wala na itong panganib ng pagsabog. Pero ang paligid nito ay seismically active pa rin. Madalas dito ang mga maliliit na tectonic earthquake na nagmumula sa mga lokal na fault lines, at ito mismo ang binabantayan ng PHIVOLCS Seismological Observation and Earthquake Prediction Division. Karamihan ng mga lindol dito ay nasa ilalim ng magnitude 3.0.
๐๐๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก
Ang ๐ฒ๐ฟ๐ผ๐ฑ๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐น๐ฐ๐ฎ๐ป๐ผ ay isang bulkan na matagal nang hindi sumabog kaya naagnas na ang dating hugis nito dahil sa ulan, hangin, at panahon. Dahil dito, nawawala na ang malinaw na crater at nagiging mukhang ordinaryong bundok na lang na may puno at lupa, tulad ng nakikita sa Mt. Lobo sa Batangas.
Ang ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฐ๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐ผ๐น๐ฐ๐ฎ๐ป๐ผ naman ay isang bulkan na walang naitalang pagputok sa loob ng maraming libong taon at wala ring kasalukuyang senyales ng volcanic activity. Wala itong mga pahiwatig tulad ng usok, pagtaas ng temperatura, o volcanic earthquakes na karaniwang binabantayan ng PHIVOLCS. Sa kaso ng Mt. Lobo, inuri siya ng PHIVOLCS bilang eroded at inactive volcano mula pa sa Late Cenozoic age, ibig sabihin ay milyon-milyong taon na ang nakalipas mula nang huli siyang aktibo.
May ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฐ๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐น๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฐ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐๐น๐ธ๐ฎ๐ป, pero napakababa at hindi ito mangyayari sa loob ng lifetime ng tao. Ang mga bulkan ay hindi talaga itinuturing na โpatayโ maliban kung wala nang natitirang magma sa ilalim, at ang tawag doon ay extinct volcano. Sa ngayon, ang binabantayan ng PHIVOLCS sa paligid ng Mt. Lobo ay ang tectonic earthquakes na nagmumula sa mga fault lines, hindi ang volcanic unrest. Ibig sabihin, wala silang nakikitang paggalaw ng magma o iba pang senyales na magpapahiwatig ng posibleng pagsabog.
Kaya sa praktikal na usapan, safe na sabihing napakaliit ng panganib na sumabog muli ang Mt. Lobo. Sa geology, milyon-milyong taon ang ginagamit na sukatan, kaya kung magbabago man ang tectonic setting ng Pilipinas sa napakalayong hinaharap, doon lang magkakaroon ng posibilidad na muling magkaroon ng aktibidad sa ilalim nito.
Sa aspeto ng hiking, sikat ang Mt. Lobo sa forested trail nito na umaabot sa Lobo at San Juan, Batangas, na may mga access point sa Nagtoctoc at Nagtaluntong. Ang mga prominenteng peak na Lobo Nagpatong at Bangkalan ay kilala sa makakapal na canopy at mayamang wildlife. May kabuuang 2,217 ft ang elevation gain at karaniwang 4.5 hanggang 5 oras ang aabutin para sa round-trip hike, kaya sikat ito sa mga hiker na naghahanap ng nature trail na may geological significance.
Sa ilalim naman ng Lobo matatagpuan ang Kay Tanda epithermal Au deposit, isa sa mga gold deposit sa Batangas Mineral District sa timog Luzon. Ayon sa pag-aaral na inilathala sa Wiley Online Library, ang Kay Tanda ay binubuo ng limang pangunahing geological unit: ang Middle Miocene na Talahib Volcanic Sequence na nagsilbing host rock; ang Balibago Diorite Complex na intrusive complex; ang Late Miocene hanggang Early Pliocene na Calatagan Formation; ang Dacite Porphyry Intrusives; at ang Pliocene na Balibago Andesite na nabuo matapos ang mineralization. Base sa K-Ar dating ng illite, nasa 5.9 ยฑ 0.2 hanggang 5.5 ยฑ 0.2 Ma o Late Miocene ang edad ng mineralization.
Dalawang pangunahing istilo ng mineralization ang natukoy sa Kay Tanda. Ang una ay early-stage epithermal mineralization na may Au-Ag-bearing quartz stockworks sa mababaw na bahagi ng Talahib Volcanic Sequence. Ang pangalawa ay late-stage base metal mineralization na may Zn, Pb, Cu, at lokal na bonanza-grade Au sa veins at hydrothermal breccias sa mas malalim na bahagi at sa Balibago Intrusive Complex. Tinukoy ang anim na stages ng mineralization: nagsimula sa acidic quartz-pyrophyllite-dickite alteration, nagpatuloy sa Au-Ag quartz stockworks, at nagtapos sa anhydrite-gypsum veins na may minor base metal. Nagbago rin ang kondisyon mula high sulfidation patungo sa intermediate sulfidation habang umuunlad ang sistema.
Ayon sa fluid inclusion studies, umabot sa 220โ290ยฐC ang temperatura ng hydrothermal system, at ang boiling ang pangunahing mekanismo ng ore deposition. Sa kabuuan, ang Kay Tanda ay isang kumplikadong gold system na nabuo sa loob ng ilang milyong taon dahil sa interaksyon ng volcanic rocks, intrusive bodies, at hydrothermal fluids.
Kaya kung pupunta ka sa Mt. Lobo, hindi lang magandang tanawin at forested trail ang makikita moโnakatuntong ka rin sa isang lugar na may mahalagang geological at mineralization history na kinikilala sa international research.
๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ: Wiley Online Library (Geology, Alteration, and Mineralization of the Kay Tanda Epithermal Gold Deposit, Lobo, Batangas, Philippines); Philippine Institute of Volcanology and Seismology; Ser Mountaineer (Image); AllTrails (Mt. Lobo, Batangas, Philippines - Map Guide)
๐๐ผ๐ฏ๐ผ ๐ก๐ผ๐ | ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐ก๐ฒ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ป๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ปย
๐ง๐ต๐ฒ ๐ฆ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐ฎ ๐ง๐ต๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐๐ผ๐ฟ๐บ.
Lobo Now | Weather Information
Tuwing umuulan nang malakas at kumikidlat, madalas tayong magtago sa loob ng bahay. Pero alam mo ba kung ano talaga ang nangyayari sa likod ng isang thunderstorm? Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang ๐๐ต๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐๐ผ๐ฟ๐บ ay isang lokal at panandaliang kaguluhan sa panahon na may kasamang kidlat, kulog, malakas na pag-ulan, malalakas na bugso ng hangin, at minsan, yelo o hail.
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ง๐ต๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐๐ผ๐ฟ๐บ?
Hindi lang basta ulan ang dala ng thunderstorm. Narito ang mga pangunahing panganib na dapat iwasan:
๐๐ถ๐ฑ๐น๐ฎ๐ โ Ito ay biglaang paglabas ng kuryente sa loob ng ulap o mula sa ulap patungo sa lupa. Mapanganib ito dahil maaaring makakuryente at makapatay.
๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐๐น๐ฎ๐ป โ Sa maikling panahon, maaaring bumuhos ang napakalakas na ulan na nagdudulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na madaling maapektuhan.
๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป โ Ang biglaang malalakas na bugso ay kayang patumbahin ang mga puno at sirain ang mga magaan na istruktura.
๐๐๐ต๐ฎ๐๐ถ ๐ผ ๐ง๐ผ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ โ Bagamat bihira, may pagkakataong nabubuo ang maliliit ngunit malakas na buhawi sa loob ng matinding thunderstorm.
๐๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฑ๐น๐ฎ๐
Ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), ang isang kidlat ay ๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฒ๐๐ฒ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ธ๐ฎ๐๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐. Umabot ito sa 30,000 Kelvin o 54,000ยฐF. Dahil sa sobrang init, biglang lumalawak ang hangin sa paligid nito at nagdudulot ng malakas na shockwave na naririnig natin bilang kulog.
Hindi lang iyon, mas marami pang namamatay at nasusugatan sa kidlat kada taon kumpara sa bagyo at buhawi. Maaari rin itong tumama 15-20 kilometro ang layo mula sa mismong ulap.
Gusto mo bang malaman kung gaano kalayo ang thunderstorm sa iyo? Bilangin mo ang segundo mula sa pagkidlat hanggang sa marinig ang kulog, tapos hatiin sa 5. Ang sagot ay ang tinatayang layo sa kilometro. Ginagamit ito para malaman kung papalapit o palayo na ang bagyo.
๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐๐๐บ๐๐ด๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐จ๐บ๐ฎ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐น๐ผ๐ด?
Ang kulog ay hindi basta isang malakas na tunog. Ito ay resulta ng mabilis na paglawak ng hangin dahil sa init ng kidlat na umabot sa 30,000ยฐC. Dahil napakahaba ng isang kidlatโmaaaring ilang kilometroโmas naunang naririnig ang tunog mula sa malapit na bahagi, at susunod ang mula sa malayo. Ito ang dahilan kung bakit parang gumugulong at umaalingawngaw ang kulog.
Tinatawag na โ๐ฐ๐น๐ฎ๐ฝโ ang maikli at matalas na tunog, habang โ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐นโ naman ang mas mahaba at malalim na ugong.
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ ๐๐ป๐ฑ๐ผ ๐ ๐ฎ๐ ๐ง๐ต๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐๐ผ๐ฟ๐บ
Akala natin, ang kidlat at thunderstorm ay para lang sa Earth. Pero ayon sa NASA at NOAA, may ganito rin sa ibang planeta! Sa ๐๐๐ฝ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ป, napakalakas ng mga bagyo na ang kidlat dito ay hanggang 100 beses na mas malakas kaysa sa Earth.
Sa Mars naman, may nakitang maliliwanag na kidlat sa gitna ng mga dust storm, na pinaniniwalaang senyales din ng electrical discharge. Pinag-aaralan ito ng mga siyentipiko para mas maunawaan ang chemistry ng ibang planeta at ang pinagmulan ng buhay sa uniberso.
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ผ
Kapag may thunderstorm advisory, mag-ingat sa posibleng pagbaha, pagguho, at pagtama ng kidlat. Iwasan ang bukas na lugar, puno, at metal na bagay habang kumikidlat. Manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo mula sa PAGASA at lokal na awtoridad.
Ang thunderstorm ay isang paalala ng kapangyarihan ng kalikasanโmaganda pagmasdan, pero dapat igalang at paghandaan.
ALAM MO BA? MAY FAULT SYSTEM SA LOBO, BATANGAS!
๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ: ๐ก๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป
Hinihikayat ang lahat na basahin ito nang may pag-unawa upang maiwasan ang anumang kalituhan o negatibong reaksyon. Ang layunin ng impormasyong ito ay magbigay-kaalaman sa publiko, at hindi upang manakot o magpalaganap ng maling balita.
Ang Lobo Fault System ay isang sistema ng fault na nahahati sa dalawa; una, ang Pinaghawanan segment na may habang 9.51 kilometro; pangalawa, ang Jaybanga segment na may habang 8.64 kilometro na nasa ilalim ng Lobo Fault System. Parehong binabagtas nito ang dalawang barangay sa hilagang bahagi ng bayan ng Lobo.
Ayon sa pagtataya mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang Lobo Fault System ay parehong โpotentially active faultโ na ibig sabihin ikinukonsidera ito bilang aktibo dahil patuloy itong kumikilos o nagkakaroon ng aktibidad sa nakalipas na 10,000 taon at may posibilidad na lumikha muli ng pagyanig.
Sinasabi at ayon sa mga impormasyon, ang Pinaghawanan Segment ay posibleng makapaglabas o makagawa ng isang pagyanig na may lakas na umabot hanggang magnitude 6.3, samantalang ang Jaybanga Segment naman ay posibleng lumikha ng pagyanig na umabot sa magnitude 6.2.
Sa kabuoan, ang Lobo Fault System ay isang sistema na nahahati sa dalawang segment, ang Pinaghawanan Segment at ang Jaybanga Segment. Kinikilala itong potentially active dahil sa mga posibleng aktibidad ng fault na ito sa nakalipas na 10,000 taon. Ipinapakita rin ang posibilidad na mga inerhiya o lakas ng maaring pagyanig na mabuo sakaling gumalaw ito.
๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ: Batangas History, Culture and Folklore (Fault Lines Affecting Batangas including Newly Discovered Ones); Philippine Institute of Volcanology and Seismology; Philippine Statistics Authority (List of Active and Potential Active Faults in the Philippines as of 2024); UNDRR PreventionWeb (www.preventionweb.net)
๐๐ผ๐ฏ๐ผ ๐ก๐ผ๐ | ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐ก๐ฒ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ป๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ปย
ANO ANG PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY O PAR?
Ang Philippine Area of Responsibility o PAR ay tumutukoy sa itinalagang lugar kung saan malapit na minomonitor ng PAGASA ang anumang mga paggalaw ng panahon (weather) tulad ng mga tropical cyclone o bagyo na maaaring makaapekto sa ating bansa.
Tuwing may bagyo na pumasok o nabuo sa loob ng PAR, binibigyan ito ng lokal na pangalan upang madaling makilala at makapagbigay ng babala sa publiko tungkol sa anumang mga update at impormasyon.
๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฅ?
โข Mabilis na mga update sa impormasyon ng panahon.
โข Maagang babala para sa mga hakbang pangkaligtasan.
โข Gabay sa paghahanda laban sa posibleng epekto ng bagyo.
Dagdag pa dito, mas malapit ang kanlurang bahagi nito sa Pilipinas kaysa silangang bahagi. Sakop nito ang buong East Philippine Sea. Kapag may bagyo sa loob ng PAR, naglalabas ang PAGASA ng Severe Weather Bulletin โ ito ang pinakamataas na antas ng babala.
Ang kaalaman tungkol sa PAR ay mahalaga sa paghahanda natin sa panahon ng mga sakuna.
Maging alerto, laging maging updated, at unahin ang kaligtasan.
Information via: PAGASAย
ALAM MO BA? ANG BUWAN NG MAYO AY THUNDERSTORM MONTH
Ang buwan ng Mayo ay ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฏ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ต๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐๐ผ๐ฟ๐บ๐ sa Pilipinas.
Ito ay dahil sa matinding init na nararanasan sa tag-init. Kapag uminit nang husto ang lupa, mabilis na umaakyat ang mainit na hangin at humahalo sa malamig na hangin sa itaas ng atmosphere. Dahil dito, ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ฏ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฐ๐๐บ๐๐น๐ผ๐ป๐ถ๐บ๐ฏ๐๐ ๐ฐ๐น๐ผ๐๐ฑ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐๐ฑ๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ด๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐๐น๐ฎ๐ป, ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐น๐ผ๐ด, ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐ฑ๐น๐ฎ๐, ๐ฎ๐ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐ป๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐๐ด๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป.
Karaniwang ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ถ๐๐ผ ๐๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ป ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐ฏ๐ถ, lalo na pagkatapos ng mainit at maalinsangang panahon sa maghapon.
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ: Kapag makapal at maitim na ang mga ulap, at may naririnig nang pagkulog, mainam na umiwas muna sa mga bukas na lugar at patuloy na mag-monitor ng weather updates.
Manatiling alerto at laging handa, kababayan!
๐๐ผ๐ฏ๐ผ ๐ก๐ผ๐ | ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐ก๐ฒ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ป๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ปย
ANO ANG AIR QUALITY INDEX O AQI? ALAMIN ANG IBIG SABIHIN NITO
Ang Air Quality Index (AQI) ay isang color-coded at numerical tool na may sukat mula 0 hanggang 500, na ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐น๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐-๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป. Ito ay nagsasabi kung ๐ด๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ผ ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐๐บ๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ๐ฝ, at nagpapahiwatig din ng kaugnay na panganib o epekto nito sa ating kalusugan.
Narito ang iba't ibang antas ng AQI at ang ibig sabihin nito:
ย ๐๐ผ๐ผ๐ฑ (๐ฌ-๐ฑ๐ฌ) โ Mahusay at malinis ang kalidad ng hangin. Wala itong anumang panganib sa kalusugan.
ย ๐ ๐ผ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ (๐ฑ๐ญ-๐ญ๐ฌ๐ฌ) โ Katamtaman ang kalidad. Ligtas ito para sa nakararami, maliban na lamang sa ilang may napakasensitibong kalusugan.
ย ๐จ๐ป๐ต๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต๐ ๐ถ๐ณ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ถ๐๐ฒ (๐ญ๐ฌ๐ญ-๐ญ๐ฑ๐ฌ) โ Hindi maganda ang hangin para sa mga taong may problema sa baga, hika, o mga may sensitibong kalusugan.
ย ๐จ๐ป๐ต๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต๐ (๐ญ๐ฑ๐ญ-๐ฎ๐ฌ๐ฌ) โ Hindi malusog ang hangin para sa lahat. Maaari nang makaranas ng iritasyon at hirap sa paghinga ang sinuman.
ย ๐ฉ๐ฒ๐ฟ๐ ๐จ๐ป๐ต๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต๐ (๐ฎ๐ฌ๐ญ-๐ฏ๐ฌ๐ฌ) โ Lubhang hindi maganda at may malaking panganib sa kalusugan ng lahat.
ย ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ผ๐๐ (๐ฏ๐ฌ๐ญ-๐ฑ๐ฌ๐ฌ) โ Lubhang mapanganib. Maaari itong magdulot ng seryosong epekto sa kalusugan kahit pa sa mga taong malakas at malusog.
Mga Sanggunian: National Weather Services (NWS), National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), Weather Underground
๐๐ผ๐ฏ๐ผ ๐ก๐ผ๐ | ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐ก๐ฒ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ป๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ปย
HEAT INDEX: ALAMIN!
1. ANO ANG HEAT INDEX?
Ang Heat Index, na kilala rin bilang "damang init", ay tumutukoy sa aktwal na nararamdaman ng katawan na init, na resulta ng kombinasyon ng temperatura ng hangin at relative humidity (alinsangan). Ang halagang ito ay kadalasang mas mataas kaysa sa temperatura na sinusukat gamit ang karaniwang thermometer, dahil isinasaalang-alang nito ang kakayahan ng katawan na sumingaw ng pawis.
Binatay sa DOST-PAGASA, ang heat index ay inuuri batay sa antas ng panganib na maaaring dulot nito sa kalusugan ng mga tao:
27โ32ยฐC โ Caution (Pagod)
33โ41ยฐC โ Extreme Caution (Mataas na tsansa ng pagkapagod)
42โ51ยฐC โ Danger (Delikado โ posibleng heat stroke)
42โ51ยฐC+ โ Extreme Danger (Napakadelikado)
2. PAANO NALALAMAN ANG HEAT INDEX?
Ang Heat Index ay hindi lamang sinusukat gamit ang karaniwang thermometer. Upang makuha ang eksaktong halaga nito, ginagamit ang psychrometer โ isang gamit na may dry bulb at wet bulb thermometer na nagsusukat ng aktwal na temperatura ng hangin at relatibong halumigmig.
Pagkatapos ng pagsukat, ang mga datos ay ipinapasok sa isang matematikong formula o psychrometric table upang makuha ang pinakakatotohanang halaga ng heat index. Ito ang pamamaraan na sinusunod ng mga weather observer at eksperto ng DOST-PAGASA para tumpak na matukoy ang damang init ng katawan.
3. MGA PAALALA TUNGKOL SA HEAT INDEX
Kapag mataas ang heat index, lalo na kapag umabot sa 42ยฐC pataas, maaari itong magdulot ng seryosong problema sa kalusugan tulad ng heat stroke, pagkapagod, at pagkahilo.
Dapat sundin ang mga sumusunod na hakbang para mapangalagaan ang kalusugan:
Uminom ng sapat na tubig bago pa mauhaw, at patuloy na uminom kahit hindi mauhaw.
Iwasan ang labas ng bahay o mga aktibidad sa labas tuwing pinakamataas ang init ng araw (karaniwang 10 AM hanggang 4 PM).
Magsuot ng mga damit na magaan, payat, at madaling huminga ng hangin.
Gumamit ng sunblock, sumbrero, at payong para protektahan ang balat mula sa direktang sikat ng araw.
Limitahan ang pag-inom ng kape at alak dahil nagdudulot ito ng pagkauhaw.
Kung nararamdaman ang pagkahilo, panghihina, o pananakit ng ulo, agad na humingi ng tulong at manatili sa malamig na lugar.
Mahalagang Paalala: Ang 42ยฐC pataas na heat index ay napakadelikado at nangangailangan ng agarang pag-iingat, dahil maaari itong humantong sa malubhang kondisyon tulad ng heat stroke o pagkakasugat sa katawan.
4. HEAT INDEX UPDATE SA LOBO, BATANGAS
(Ang mga impormasyon ay mahimay na nakasaad sa larawan.)
Saan Kukuha ng Datos ang Lobo Now?
Ang mga datos ay kinukuha mula sa Weather Underground at Wunderground, pagkatapos ay ipapasok sa NOAA Heat Index Calculator para makuha ang eksaktong halaga ng heat index ng bayan ng Lobo.
MGA SANGGUNIAN
โข Vera Files Fact Sheet about Heat Index
โข DOST-PAGASA Heat Index
Ang mga datos na inilalabas ng Lobo Now para sa Heat Index ay para lamang sa kamalayan at impormasyon ng publiko. Hindi ito opisyal na pahayag mula sa DOST-PAGASA. Ang opisyal na heat index at weather updates ay makukuha lamang sa DOST-PAGASA website o sa kanilang mga opisyal na pahayagan.
Lobo Now | Public News and Information