Ang lahat ng Covid-19 benefits para sa mga inpatient care (mga naka admit/confine sa ospital) ay walang magiging co-payment mula sa pasyente para sa direktang mga serbisyong medikal at pangkalusugan kapwa sa mga pribado at pampublikong healthcare providers. Subalit, ang mga pasyente ay maaring magkaron ng co-payments sa mga serbisyo gaya ng suite room accommodation.
Ang single period confinement at 45 days annual benefit ay hindi i-aapply sa benefit package na ito.
BENEPISYO SA MGA PROBABLE AND CONFIRMED CASES NG COVID-19
Para sa mga critical pneumonia na maaaring mangailangan ng karagdagang serbisyong medikal dahil sa paglala ng kundisyon ay covered din ng package na ito tulad ng mga sumusunod:
Acute Respiratory Distress Syndrome (ARDS)
Septic Shock
Requiring Invasive Ventilation
Requiring Extra Corporeal Membrane Oxygenation (ECMO)
Requiring Renal Replacement Therapy (RRT)
Ang mga sumusunod ay mandatory services na nakapaloob sa Covid-19 benefit package, kasama na rito ang professional/readers' fees:
Accommodation
Managing and monitoring of illness
Laboratory (Licensed Covid-19 Testing Laboratories per DOH), Diagnostic, Imaging
Medisina at gamot na kasama sa protocols at guidelines ng DOH
Supplies & equipmemt (including PPEs)