Ang aming team ay mga designers at healthcare professionals at kabilang sa isang pamilyang Pilipino na mayroong miyembro na senior citizen. Nabuo ang project Lo and La sa kadahilanang, humarap ang ilan sa amin na kung saan ang kanilang senior citizen na kapamilya ay dumanas ng isang non-urgent medical concern, ngunit kinakailangan ng medyo malaking halaga at sa kasalukuyan ay hindi pa kayang saluhin lahat ng gastusin. Alam natin na mahal ang healthcare lalo sa panahon ngayon, ngunit sa pagtulong namin sa isa sa aming team sa pamamagitan ng pagreresearch ay merong ilang mga kaukulang mga programa ang Philippine government upang kahit papaano ay maibsan ang gastusin. Sa patuloy na pagsaliksik, aming napansin na hiwa-hiwalay ang impomasyon ukol dito at walang streamlined na bulletin para ipamahagi sa mga nangangailangan lalo sa mga mahihirap na Filipino.
Kaya bilang agarang solusyon sa nakita naming problema, lumutang ang proyektong Lo and La, bilang isang 1-stop shop information hub, na sa ngayon ay nagbibigay ng mga malinaw at madaling unawain na impormasyon kung papaano makakakuha ng tulong medikal at pinansyal. Ang mga datos mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno, pati na rin sa mga pribadong organisasyon at institusyon ay ilalagay dito sa Lo and La website para sa convenience ng mga senior citizen, pamilya o caregiver nito na nangangailangan ng malinaw, madaling unawain at kumpletong impormasyong pangkalusugan.
Ito rin ay magsisilbing isang komunidad kung saan maaaring magbigay ng mga komento, suhestiyon o karagdagan pang impormasyon na maaaring idagdag sa Lo and La website para mas maging epektibo ang misyon nito.
Muli, maraming pong salamat!
Mabuhay po ang ating mga lolo and lola, ating mga senior citizens, pangalagaan natin sila, para makinig pa sa kanilang 'sang libong storya na tiyak namin ay kailangan natin ito para sa isang makabuluhang henerasyon ngayon at bukas!
Lo and La Team
If you believe in this project or you find value and to help us improve this endeavor please send support us through PayPal or Buy Me a Coffee. Maraming salamat po!