Para sa 29 Milyong Kabataang Pilipino...
Para sa 29 Milyong Kabataang Pilipino...
Pamilya ang pinakamahalagang bahagi ng kanilang buhay.
(98.1%, 2019 World Values Survey)
Pamilya ang pinakadahilan ng kanilang pag-aaral at pagsisikap.
(72%, SWS/YouthLed 2021)
Pamilya ang pinakamalakas na impluwensya sa kanilang mga paniniwala sa politika. (59%, SWS/YouthLed 2021)
Suporta mula sa pamilya ang pinakamalaking tulong para sa mga kabataan para makibahagi sila sa lipunan. (Barna, 2021)
58.4% ang takot lumabas sa gabi. (2019 World Values Survey)
4 out of 10 college students ang naka-’dropout’ sa ngayon.
(EdCom II Year 2 report)
44% ay naghahanapbuhay at least once a week. (SWS/YouthLed 2021)
6 million na kabataang 15-24 ang nasa labor force (PSA, July 2025)
Panatag na buhay (stability) ang pinakamahalaga sa kanila.
(Filipino Perspectives Digest, Issue 1, 2025)
3 out of 5 ang di kuntento sa ating gobyerno. (ISEAS, 2024)
24% lang ang nasubukang sumali sa mga organizations (SWS/YouthLed, 2021), kahit na 7 out of 10 ang interesado pa ring sumali. (ISEAS, 2024)
8% lang ang nasubukang sumali sa mga partidong pampulitika. (SWS/YouthLed, 2021)
Ang pagsali sa mga org ay isang ‘pribilehiyo’ sa tingin ng iba, dahil mas priority nila ang kanilang sariling buhay, pagaaral, at pamilya.
(Filipino Perspectives Digest, Issue 1, 2025)
Naniniwala ang Liberal Youth na ang kapangyarihan ng bayan ay nasa bawat Pilipino mismo, anuman ang pinagmulan, pinagkaiba, o pangarap, lalo na sa kabataan.
Dahil dito, trabaho ng gobyerno na pantay na bigyan ang bawat isa ng mga kasangkapan (tools) para makapamuhay nang may dignidad araw-araw, at makamit ang mga pangarap sa pangmatagalan.
Kaya’t ang LAYA Agenda na isinusulong nito ay nakasentro sa tatlong pundasyon tungo sa patas, umaasenso, at gumaganang lipunan: ginhawa, husay, at tiwala.
GINHAWA
mula sa kahirapan
Tanggalin ang VAT at excise tax sa gasolina at kuryente.
Itaas ang basic needs and prime commodities discount ng mga senior citizen at PWD mula sa ₱125 limit per week.
Magtayo ng mga food stores gamit ang NFA at Kadiwa para sa abot-kaya at masustansyang pagkain.
Gawing patas ang presyo ng mga “pink”/women-branded na produkto.
Magna Carta for Renters (para sa mas abot-kaya, lisensyado at malinis na mga apartments/dorms).
Libreng Sakay (Service Contracting) sa mga jeep malapit sa mga paaralan, para maging abot-kaya rin sa mga driver ang jeepney modernization na gawang-Pinoy.
Ipasa ang Anti-Scalper Law at tanggalin ang amusement tax para hindi maging mahal ang mga concerts, sine, teatro at sports.
Bawat barangay, may nars at gamit (kasama ang Magna Carta for BHWs at BNS).
Palakasin ang PhilHealth para kasama ang libreng checkup, pa-confine, dentista, gamot, pa-opera, lab test, feminine products, at psychologist sa bawat bayan.
Libre sa lahat ng lengwahe at networks ang 1553 mental health hotline ng National Center for Mental Health.
Tutukan ang women’s health issues tulad ng polycystic ovarian syndrome (PCOS), breast/ovarian cancer, at teenage pregnancy prevention.
Ipasa ang Neurodivergent Peoples’ Rights Act, at siguraduhin ang kapakanan kapakanan at inklusyon ng lahat ng mga PWD sa lahat ng sektor at pasilidad.
Idagdag sa Doktor para sa Bayan at DOST Scholarship ang mga dentist, psychiatrists, at speech-language therapists.
Unahin ang mga Commuter at Pedestrian:
Ipasa ang Dignity in Commuting Act;
Ayusin ang mga sidewalk at pedestrian lanes;
Palakasin ang pamumuhunan sa mga public transport tulad ng tren, bus at river ferry.
Payagan ang 4-day workweek system sa ilalim ng Labor Code.
Free WIFI sa bawat Barangay Hall at mas mura at mabilis na internet na abot sa bawat isla sa bansa (National Broadband Plan).
HUSAY
para sa pangarap
Sa panahong lahat ay madaling magiba at mawasak, mula man sa gobyerno na nasasabit lagi sa substandard na mga proyekto dahil sa katiwalian, hanggang sa bulsang madaling butasin ng mahal na bilihin at de-endo na trabaho, panahon na para siguraduhin nating panatag ang ating mga pamilya sa isang bayan:
Hindi nakakapagod maghanap ng trabahong ang sweldo tinutumbasan ang pinaghirapan, at sigurado ang kalusugan at kasiyahan (₱650+ National Daily Minimum Living Wage).
Hindi nakakatakot tumupad ng mga pangarap na negosyo, imbensyon o sining.
Hindi na kailangan pang mag-abroad para sa maginhawang buhay.
Hindi nakakainis ang kalagayan ng bayan at kalikasan (just transition).
Kaya nating tumindig sa sarili nating lakas-tao at likas-yaman. Dito na natin gawin sa ating sariling bayan ang lahat ng materyales na kaya naman nating malikha, gawin nating kumpleto at tunay ang repormang agraryo para ang mga mismong magsasaka na ang kumita at magpalago, at gawing pakinabang hindi lang ang padalang kita mula sa mga OFW, balik-Scientists at mga BPO kundi mismong ang kanilang husay para sa ating bayan mismo.
Gamitin ang mga Negosyo Centers, the National Development Company (NDC), and other grant-giving bodies and GOCCs bilang dynamic micro-macro incubators para sa mga startups.
Palakasin ang industriyalisasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-process ng mga materyales at parte dito mismo sa ating bansa, at paglalagay sa ating research and development budget sa katumbas ng 3% ng ating GDP.
Gawing batas ang Rural Employment Assistance Program imbis na TUPAD at mga private construction contractor ang makinabang sa mga proyekto ng gobyerno
Sa ating likas na yaman mula sa Inang Kalikasan nanggagaling ang ating mga produktong pagkain, bakal, pati na rin ang ating masiglang turismo mapa-dagat o bundok. Mapapalago lang natin ito kung ito ay protektado laban sa malawakang sakunang dulot ng walang-patawad na polusyon at deforestation, at pondado ito ng mas malaking pamumuhunan sa pagproseso at pagbebenta sa merkado natin at sa mundo.
Itatag ang Department of Fisheries and Aquatic Resources at Philippine Agriculture and Fisheries Extension Agency.
Isabatas ang Magna Carta for Young Farmers.
Ipatupad ang Agricultural Land Conversion Ban.
Padamihin ang mga post-harvest and mechanization facilities and programs sa lahat ng sakahan.
Palakasin ang mga “minahang bayan” na dito mismo iproproseso ang mga mineral sa malinis na paraan sa ilalim ng Philippine Mineral Resources Act.
Hindi matatawaran ang kakayahan ng tao bilang pinakamahalagang yaman ng ating ekonomiya na kayang magdesisyon para sa kanyang sarili. Ang konsepto ng “just transition” ay katumbas ng nakabubuhay na sahod para sa isang malusog at maginhawang pamilya, proteksyon laban sa pang-aabuso, at ang kalayaang mag-organisa ng unyon para sa pagkakaisa at karapatan ng mga manggagawa.
Gawing nationwide, at hindi regional, ang minimum wage (currently at ₱650+ per day).
Isabatas ang Freelance & Online Workers Rights Law.
Payagan ang paid menstrual leave at 4-day work setup.
Suportahan ang mga care workers, at sa mga family carers/caregivers na kasabay ng kanilang dayjob.
Tutukan ang Occupational Safety and Health, kasama ang mental health at physical environment.
Isabatas ang Comprehensive Anti-Discrimination Bill at ang Magna Carta para sa mga BPO at Informal Workers.
Protektahan ang kalayaan ng mga unions/employees associations na mag-organisa.
Protektahan ang mga yamang-dagat, at ang soberanya natin laban sa pananakop ng China at ng Big Oil, para sa sapat na pagkain para sa atin at sa export.
Simulan ang industriya ng shipbuilding at local cruise lines para sa turismo.
Gawing matatag ang agri-agro sector, kasama ang mga organic and vegan food para sa ating food sovereignty.
Lumikha ng maraming trabaho sa renewable energy at sa manufacturing ng mga kakailanganing parte nito, pati sa iba pang green materials.
Labanan ang climate crisis upang mapanatili rin ang ating ecotourism, sa dagat man o sa bundok.
Itatag ang Department of Culture, Arts and Sports upang matutukan ang pambansang pagpopondo, pagpaplano at pagpapanalo sa ating creative sectors tulad sa South Korea.
Palawakin ang mga insentiba at pondo para sa mga atleta, filmmakers, manunulat sa lahat ng rehiyon.
Dagdagan ang pondo para sa archiving at heritage sites restoration.
Ibalik ang 9 units ng Pilipino sa kolehiyo.
Unti-unting i-sentro sa mga local clients ang ating BPO sector, pati ang IT manufacturing.
Siguraduhing ang mga bakal at mineral na mula sa Pilipinas ay gagawing mga semiconductor at iba pang mga produkto dito mismo sa Pilipinas.
Dagdagan ang pondo para sa archiving at heritage sites restoration.
Gawing 6% ng GDP ang budget sa lahat ng aspeto ng edukasyon at gawing highest priority ito base sa nakasaad sa Konstitusyon.
Palakasin ang ladderized lifelong education sa pamamagitan ng Tech-Voc (TESDA) para sa mga industrial at SME jobs, at ang pagpropromote ng Philippine Qualifications Framework at ETEEAP, bilang alternatibo sa pagdiretso sa kolehiyo.
Ipanalo na ang STRAW Bill + Interns’ Rights Bill na protektado rin ang SHS Immersion Program.
Gawing Open Access ang lahat ng Research Journals online sa pamamagitan ng pondo ng gobyerno.
Bigyang-prayoridad ang Values Education sa EDCOM II at pagaralan ang Moral Recovery Program noon, at ang Parent Effectiveness Service sa ilalim ng RA 11908.
Tasaan ang pondo ng mga public library, pati na rin ang pagbili ng mga libro para sa mga reading center sa bawat barangay sa ilalim ng RA 7743.
Taasan ang pondo ng National Commission for Childrens’ Television para lumakas ang hanay ng mga educational content creators sa bansa.
Taasan ang Budget ng UP Project NOAH at PAGASA para sa ating kahandaan sa mga bagyo.
Isabatas ang Rights of Nature Law at ang Natural Infrastructure Stewardship and Dev’t Act (NatISDA) para sa mga River Basins, Mangroves at Forests, kesa sa cement-centered flood control projects.
Ayusin na ang mga kakulangan ng PhilSys National ID program, at siguraduhing tatanggapin ang mga Digital National ID sa ilalim ng batas.
Gawing batas ang mga National Artificial Intelligence rules upang malabanan ang mga deepfakes, copyright infringement, at job displacement na maaring idulot ng AI.
Labanan ang di-patas na algorithmic pricing sa mga online apps, na maaring ibahin ang presyo ng mga serbisyo at bilihin gamit ang manipulasyon ng coded program sa website/app.
TIWALA
higit sa takot
Isali ang mga kabataan at mag-aaral sa Local School Board, Health Board, iba pang local councils na wala pang youth representative, pati na rin sa Water District na nasa ilalim ng mayor ayon sa PD 198.
Gawing youth-centered ang land and housing planning sa ilalim ng Sustainable Cities Bill, National Land Use Act, at iba pang mga karugtong na batas.
Padaliin ang Youth Organization Registration Program (YORP) process sa ilalim ng NYC para sa mas malawak na partisipasyon ng kabataan.
Isabatas ang Magna Carta for Youth Not in Education, Employment, or Training (NEET).
Payagan ang Absentee Voting para sa mga estudyante na wala sa kanilang mga probinsya, dahil hindi dapat magastos ang pakikibahagi sa ating demokrasya.
Ipagtanggol ang mga kabataang LGBTQIA+ sa pamamagitan ng SOGIESC Equality Bill, Right to Care Card Bill, Legal Gender Recognition Bill atbp.
Palakasin ang mga tanod sa pamamagitan ng dagdag-pondo at Magna Carta upang gumaan ang trabaho ng mga Pulis sa ilalim ng isang coordinated “unbundling."
Pondohan lalo ang forensic sciences at ang 911 Hotline upang mas mapabilis ang pag-responde sa mga krimen.
Ipanalo ang rules-based order sa International Criminal Court (ICC) at sa UNCLOS sa usapin ng West PH Sea, kasabay na rin ang edukasyon ng mga kabataan ukol sa mga prosesong pandaigdigan
Ipanalo ang dignidad ng Palestine, Taiwan, Ukraine at iba pang mga apektadong bansa laban sa di-makataong genocide at mga banta ng giyera sa pamamagitan ng mas patas na international military order, at pagkalinga sa mga refugees na nasa ating bansa.
Pagkakaisa para sa huling limang taon ng Sustainable Development Goals sa gitna ng climate crisis gamit ang isang loss & damage fund.
Protektahan ang mga OFWs laban sa racism at lumalalang anti-migrant discrimination, at gawing prayoridad ang reintegration, o ang siguradong trabaho para sa kanila pag-uwi ng Pilipinas.
Ipasa ang Inclusive Democracy Bill na pagiisahin ang malinaw na pagbabawal sa mga political dynasties, public campaign funds, at political party development.
Gawin nang batas ang People’s Freedom of Information Law, at ang Confidential and Intelligence Funds Utilization and Accountability Act.
Ibalik ang Bottom-up Participatory Budgeting and Auditing kabahagi ang civil society at mga kabataan upang mapigilan ang kultura ng “unprogrammed” at “allocable” funds.
Tanggalin ang NTF-ELCAC, na bukod sa mapanganib nitong “Red-tagging” , ay pugad ng di-patas at mala- pork barrel na Barangay Development Fund na nagkakahalaga ng ₱8.8 Billion.
Seryosohin ang Bangsamoro autonomy sa pamamagitan ng tiyak na plano simula sa susunod na Regular Assembly Election, at tuparin ang Cordillera autonomy na nakasaad sa Konstitusyon.
Tanggalin ang Automatic Appropriations sa mga utang ng bansa sa ilalim ng PD 1177 at i-renegotiate ang ating mga loan payments sa pamamagitan ng isang 5-year moratorium.
Kung may mga katanungan, komento, o suhestiyon, bukas ang Liberal Youth sa dayalogo at diskusyon!
Maaari tayong mag-usap via email liberalphyouth@gmail.com
o sa Facebook, Instagram, o X sa username na @liberalyouthph.