In line with the Department’s commitment in promoting gender equality and inclusivity in local governance, DILG Bulacan led by PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, celebrated Women’s Month through the 3rd DILG Konek: The Provincial Team Conference, held today, March 25, 2025, at the Municipality of Paombong.
As part of the celebration, Bank Officer IV Maria Lourdes Laconsay from Bangko Sentral ng Pilipinas discussed the vital role of financial literacy for women as integral members of the society. The personnel also arrayed in purple and presented their reports and updates regarding the implementation of DILG PPAs using themes that highlighted power, justice and dignity of women.
This DILG Bulacan 3rd Konek Conference did not only serve as an avenue to discuss latest updates in the Department and LGUs, but also as a platform to advocate for the rights and welfare of women this National Women’s Month.
Ngayong araw matagumpay na inilunsad ang Musika ng Kababaihan Fridays o #MNKFridays sa DILG Bulacan, isang inisyatibang itinugma sa isa sa mga programang pinanukala ng Philippine Commission on Women (PCW) na naglalayong ipagdiwang ang mga kababaihan sa pamamagitan ng musika.
Layunin ng #MNKFridays ng DILG Bulacan na magbigay ng inspirasyon, pagtangkilik, at magsilbing simbolo ng kanilang lakas at dedikasyon sa trabaho, at magsilbi itong pagkakataon na maitampok ang talento ng mga kawani ng Tanggapan.
Sa pagtutulungan ng DILG Bulacan at League of Municipalities (LMP) - Bulacan Chapter ay matagumpay na isinagawa ang 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐮𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐆𝐀𝐃) 𝐏𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐝𝐠𝐞𝐭 para sa mga GAD Focal Point System (GFPS) ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan simula 𝐢𝐤𝐚-𝟔 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚-𝟕 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨, 𝟐𝟎𝟐𝟓.
Kabilang sa mga nagbigay ng teknikal na gabay ukol sa naturang paksa ay ang mga kawani ng DILG Bulacan at GAD Resource Pool members ng Philippine Commission on Women (PCW) na sina Cluster Head, LGOO VII Lydia Baltazar at MLGOO ng Norzagaray, LGOO VI Maria Christine De Leon.
Layunin ng aktibidad na ito na matulungan ang mga pamahalaang lokal na matukoy ang mga programa at proyekto na may kinalaman sa GAD. Sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng planong ito ay masisiguro na higit na mapapakinabangan ang limang (5) prosyentong alokasyon sa kabuuang pondo ng bawat LGU upang matiyak ang gender equality at matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan anuman ang kanilang kasarian.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa ilalim ng 𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒, isa sa mga pasilidad ng 𝐀𝐋𝐀𝐆𝐖𝐀, ang opisyal na Sub-LGRRC ng Bulacan — at bilang pakikiisa ng Tanggapan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.
Bilang pakikiisa para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, nagsawa ngayong unang Lunes ng Marso ang DILG Bulacan ng isang ng zumba activity na nilahukan ng mga kawani mula sa Panlalawigang Tanggapan at mga Pook na Tagapagpakilos ng mga Pamahalaang Lokal (C/MLGOOs).
Sa nasabing aktibidad ay nagbahagi ang Pinuno ng Kumpol ng Pangkat, LGOO VII Lydia Baltazar, isang GAD Resource Pool Member ng Philippine Commission on Women (PCW) ng mga legal na batayan at kaalaman kaugnay ng nasabing pagdiriwang. Ito ay sinundan ng sabayang pagsayaw ng mga kawani, na nagsilbing sentro ng aktibidad na naglalayong itaguyod ang kahalagahan ng kalusugan at pisikal na kalakasan, kasabay ng pagkilala sa kahalagahan, talento at lakas ng mga kababaihan sa Departamento at higit sa lahat ay sa ating lipunan.
Mga ka-Alagwa, it’s purple Wednesday! Ating gamitin ang pagkakataong ito upang iparamdam ang ating pagpapahalaga sa mga kababaihan sa ating mga buhay.
In line with the Department’s commitment in promoting gender equality and inclusivity in local governance, DILG Bulacan led by PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, celebrated Women’s Month through the 3rd DILG Konek: The Provincial Team Conference, held today, March 25, 2025, at the Municipality of Paombong.
As part of the celebration, Bank Officer IV Maria Lourdes Laconsay from Bangko Sentral ng Pilipinas discussed the vital role of financial literacy for women as integral members of the society. The personnel also arrayed in purple and presented their reports and updates regarding the implementation of DILG PPAs using themes that highlighted power, justice and dignity of women.
This DILG Bulacan 3rd Konek Conference did not only serve as an avenue to discuss latest updates in the Department and LGUs, but also as a platform to advocate for the rights and welfare of women this National Women’s Month.
LUNGSOD NG MALOLOS | Sa panibagong episode ng Gabay Serye ay nagkaroon ng komprehensibong pagtalakay si LGOO VI Maria Christine De Leon, national GAD accredited speaker, ngayong ika-27 ng Marso, 2024. Sa ika-8 epsiode ay napag-usapan ang mga karapatan ng mga kababaihan, mga batang babae at maging mga kalalakihan sa ating lipunan alinsunod sa mga legal na batayan at umiiral na batas sa ating bansa.
Ang naturang paksa ay itinampok sa programa bilang culminating activity kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan ngayong buwan ng Marso.
Ang Gabay Serye ay isinasagawa ng panlalawigang tanggapan sa ilalim ng Gabay, isa sa mga pasilidad ng ALAGWA, ang Sub-LGRRC ng DILG Bulacan.
“WE for Gender Equality and Inclusive Society” Culminating 2024 National Women’s Month Celebration cum 3rd DILG Konek: The Provincial Team Conference
Ang pagbubukas ng Buwan ng Marso ay ang simula ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan. Kaya naman sa lahat ng Ato at Ine, ating alamin ang mga batas na naglalayong magbigay proteksyon sa karapatan ng bawat kababaihang Pilipino.
March 29, 2023 - DILG Bulacan capped off the celebration of the National Women’s Month by conducting an activity aimed to honor the empowered women of the Department.
Stress management seminar, zumba dancing, make up tutorial, and wellness services such as manicure, pedicure, massage and foot spa were among the activities offered during the said special day. Finally, Himig Bulacan members serenaded the female employees and gifted them flowers signifying their admiration to the latter's ability to juggle multiple hats while efficiently and successfully managing their daily responsibilities.
Isinagawa ngayong araw ang pagpapalakas sa kapasidad ng mga GAD Focal Point System ng mga Lokal na Pamahalaan sa lalawigan. Ang aktibidad na ito ay isinagawa buhat ng layunin ng Kagawaran na ihanda sila sa kanilang mga tungkulin sa pagtatapos ng taong 2023. Alinsunod sa DILG-DBM-PCW-NEDA JMC 2013-1, ang lahat ng mga lokal na pamahalaan ay inaatasan na gumawa at magsumite ng kanilang GAD Accomplishment Report tuwing buwan ng Enero sa kasunod na taon.
Sa pakikipag-ugnayan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa League of Municipalities ng Bulacan, isinagawa ang pagsasanay sa pagbalangkas ng GAD Plan and Budget na dinaluhan ng mga myembro ng GAD Focal
Point System ng mga Lokal na Pamahalaan noong ika-15 hanggang ika-17 ng Pebrero, 2023.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Panlalawigang Patnugot, Myrvi Apostol-Fabia, CESO V ang mga Pamahalaang Lokal na kung may kakayahan, ay higitan pa ang limang porsyento (5%) paglalaan mula sa kabuuang pondo, na ipinag-uutos ng batas na ituon sa mga programa at proyekto na may kinalaman sa GAD. Ito ay upang tiyakin na mas mapaigi pa ng mga bayan at lungsod ang mga inisyatibo na nilalayong wakasan ang gender inequality sa kanilang komunidad.
Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng pagnanais ng DILG Bulacan na mas mapalakas pa ang mga programa at proyekto ng mga pamahalaang lokal na layong itaguyod ang isang pamayanan na may pagkakapantay-pantay ang mga mamamayan, ano pa man ang kanilang kasarian.
Watch how DILG Bulacan capped off the celebration of the National Women's Month. May this serve a reminder to all women that you are strong, powerful and limitless!
𝗔𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗘: Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, aming itinatampok ang "KABABAE MONG TAO". Ang vlog na ito ay isang paalala na walang anumang pamantayang panlipunan ang dapat hayaan na kumahon sa anumang kasarian o sumaklaw sa kanilang karapatan na ipahayag ang kanilang sarili sa kahit anong porma at paraan.
𝗔𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗘: Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan at pagnanais ng DILG Bulacan na maipagmalaki ang ilan sa mga matino, mahusay at mga maaasahang 𝔀𝓸𝓻𝓴𝓲𝓷𝓰 𝓶𝓸𝓶𝓼 ng tanggapan. Amin pong itinatampok ang unang serye ng "𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝘼𝙆𝙊 𝘽𝘼𝘽𝘼𝙀 𝙇𝘼𝙉𝙂"!
𝗔𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗘: Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan at pagnanais ng DILG Bulacan na maipagmalaki ang ilan sa mga matino, mahusay at mga maaasahang 𝓼𝓲𝓷𝓰𝓵𝓮 𝓛𝓐𝓓𝓘𝓔𝓢 ng tanggapan. Amin pong itinatampok ang ikalawang serye ng "𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝘼𝙆𝙊 𝘽𝘼𝘽𝘼𝙀 𝙇𝘼𝙉𝙂" (𝓟𝓐𝓡𝓣 𝓘𝓘)!